Sinakyada ng mga miyembro ng Phil Drug Enforcement Agency at Mercedes Phil National Police ang isang pinaghihinalaang Drug Den sa Brgy Manguisoc sa bayan ng Mercedes kamakalawa, July 2, 2014 3:45 ng hapon.
Sa bisa ng Search Warrant # D-2014-16 na inisyu ni Executive Judge Arniel Dating, pinasok ng mga awtoridad partikular ang PDEA na pinamumunuan ni Provincual Officer Enrique Lucero at Mercedes PNP Chief S/Insp. Rogelyn Peratero Calandria ang isang bahay na hinihinalang pinagdarausan ng pot session ng mga gumagamit ng ipnagbabawal na gamot.
Nagpulasan ang mga tao sa loob ng nasabing bahay bagamat, nahuli ang isang nag-ngangalang Jojo Tusi Y Fernandez nasa tamang gulang at residente rin ng nasabing lugar at isa pang hindi pa nabatid ang pangalan. Pawang katatapos lamang umano sa pag gamit ng droga sa naturang Drug Den ang mga nasakote.
samantala, nakatakas naman ang isang babae na hinihinalang responsable sa pag babagsak ng droga mula pa sa Metro Manila tungo sa nasabing lugar. Ginalugad pa ng mga awtoridad ang lugar subalit tuluyan nang nakatakas ang babaeng suspek.
Sa panayam kay S/Insp. Calandria, matagal na nilang minamanmanan ang nasbing lugar dahilan na rin sa mga sumbong at reklamong ipinapataring sa kanila ng mismong mga residente doon. pinangangambahan ng mga magulang sa Brgy Manguisoc na maaaring mahikayat ng mga ito ang mga kabataan sa kanilang lugar na pumasok sa ganitong uri ng bisyo.
Narecover sa bahay ang 3 maliit na plastic na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu, drug paraphernalia, 1 Mobile Phone at pera na nagkakahalagang P2,800.00 na posible umanong pinagbentahan ng shabu.
Naisampa na ang kaso laban sa dalawang nahuli samantalang nagpapatuloy naman ang pagkilos ng naturang mga awtoridad sa lugar upang matiyak na hindi na lalaganap pa ang ilegal na droga sa naturang Brgy.
Ricky Pera/Jeffrey De Leon
CNNews
Note (naniniwala ang camarines norte news na inosente pa ang mga suspek hanggat hindi pa napapatunayan ng korte)