LEGISLATIVE BUILDING NG LGU DAET, WALA PANG ELECTRICAL PLAN! KUNEKSYON NG KURYENTE, NAKA TAP LAMANG SA MAIN BUILDING! MUN. ENGR. JESUS FERNANDEZ, PAGPAPALIWANAGIN NG SB DAET!

LEGISLATIVE BUILDING NG LGU DAET, WALA PANG ELECTRICAL PLAN! KUNEKSYON NG KURYENTE, NAKA TAP LAMANG SA MAIN BUILDING! MUN. ENGR. JESUS FERNANDEZ, PAGPAPALIWANAGIN NG SB DAET!

Ipapatawag ng Sangguniang Bayan ng Daet sa kanilang En Banc Meeting sa araw ng bukas, July 8, 2014 si Daet Municipal Engineer Jesus “Jet” Fernandez hinggil sa problema sa kuneksyon ng kuryente ng Legislative Building na kanilang inookupa.

Kanina, sa regular session ng SB Daet, dumalo sa sesyon ang kinatawan ng Engineering Department ng Camarines Norte Electric Cooperative, CANORECO na si Engr. Eric Adem upang magbigay ng pahayag ng CANORECO hinggil sa matagal nang inirereklamong paputol-putol na serbisyo ng kuryente sa nasabing gusali.

Sinabi ni Engr. Adem na wala pang electrical plan na nakakarating sa CANORECO para sa Legislative Building ng pamahalaang lokal ng Daet. Napag-alaman din na nakakonekta lamang ang Legislative Building sa main building ng Munisipyo at wala itong sariling kuntador.

Una nang itinanong at ipinagtataka ni Liga ng mga Barangay President PB Benito S. Ochoa kung bakit walang nakikitang electrical plan gayung isa ito sa mga pangunahing requirement sa pagpapatayo ng isang gusali.

Magugunita ring binalak nina Vice Mayor Ahlong Ong na bumili na lamang ang LGU Daet ng mga bagong transformer subalit pa rin ito maisakatuparan dahilan sa kawalan ng sapat na pondo para dito.

Kamakailan lamang din ay pina-check ni konsehal Sherwin Asis sa isang pribadong Electrical Engr. ang electrical connection ng nasabing gusali at lumalabas na problema sa sub-standard na mga kable ang posibleng problema at hindi ang transformer.

Sa ngayon sa pag dalo ng kinatawan ng CANORECO, lumutang ang katotohanan na mismong ang pamahalaang lokal ay may illegal na koneksyon. Bagay na ikinabahala ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Daet.

Anila, look-out ito ni Municipal Engr. Jesus Fernandez gayung ang opisina nito ang namahala sa pagpapatayo ng naturang gusali.

Samantala, sa kabila nito, at dahil wala rin sa ngayon Electrical Engineeer ang M.E.O., willing naman ang CANORECO sa kung anuman ang kanilang maaaring maitulong para sa ikaaayos ng problemang ito sa kuryente sa nasabing gusaling pangpamahalaan.

Bukas naman, sa pagimbita ng SB kay Engr. Fernandez, inaasahan ng naturang konseho na mabibigyan nang linaw ang lahat ng may kaugnayan sasuliranin at makapagsasagawa na rin ng sulusyon para dito.

Kanina, muli na namang nakaranas ng brown-out ang Sangguniang Bayan Session Hall habang nagbibigay ng kanyang ulat si Mun. Treasurer Elmer Nagera na bisita din sa sesyon kanina.

Rodel Llovit

CN News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *