Hulog sa kamay ng pulisya ang dalawang suspek sa bentahan ng umaabot sa humigit kumulang dalawang milyong (2M) halaga ng pinaghihinalaang shabu sa bayan ng labo!
Linggo ng gabi, July, 6, 2014, sa Camara Eatery, sa Brgy Talobatib Labo ng maganap ang panghuhuli sa mga suspek na nakilalang sina Alvin Caparanga Y Nava, 30 taong gulang, may asawa at residente ng Brgy Plaridel sa bayan ng Jose Panganiban at isang Ferdie Copas, 40 taong gulang, may asawa at residente naman ng Brgy Batia, Plaridel Bulacan.
Ang grupo ng mga awtoridad ay mula sa pinagsanib na pwersa ng PSOG, PIB, Paracale MPS at Labo MPS na pinamunuan ni P/Supt. Geoffrey Navida Fernandez.
Sa kanilang ulat, nabatid na matagal nang subject ng kanilang pagmamanman ang isa sa mga suspect kasama ang isang babae. Kamakalawa, habang isinasagawa ang surveylance ng dalawang pulis, sakay ng hindi rehistradong motorsiklo ang suspek na si Caparangga angkas ang isang babae, mula sa bayan ng Paracale, patungo sa bayan ng labo. Agad itong sinundan ng dalawang intel members hanggang sa makarating sa Brgy Talobatib Labo.
Dumiretso ang dalawa sa Camara Eatery at kumain ng hapunan habang tila ay hinihintay. Ilang sandal pa, tila naging abala na sa pag tetext ang lalaking suspek kung kayat naging alerto na ang mga awtoridad na nakapaligid na malapit sa eatery.
Ilang sandali pa, dumating ang DLTB Bus at bumaba ang isang lalaki na mula pa sa metro manila na kinilalang si Ferdie Capas. Sinalubong ito ni Caparangga at bumalik na sa loob ng karenderya.
Tila nag batian lamang ang tatlo, konti kwentuhan at ilang sandal naganap na ang pag abot ng isang bundle ng pera mula kina Caparangga at sa kasama nitong babae iniabot kay Copas, sabay abot din naman ni Copas ng produktong dala nito na hinihinalang drogra.
Ito na ang naging hudyat ng mga awtoridad para magdeklara na ng panghuhuli sa mga suspek. Sa bilis ng pangyayari, himalang nakatakas pa ang babaeng suspek at ang dalawang lalaki lamang ang naaresto.
Nakumpiska sa mga suspek ang:
3 plastic transparent Ice Bag na naglalaman ng 300 gramo ng pinaghihinalaang shabu na may market value na 2 Milyong piso.
6,500.00 na halaga ng pera sa ibat ibang denominasyon.
Dalawang cellphone,
Isang motorsiklo, Kawasaki na walang plaka.
Agad ring dinala sa himpilan ng Labo PNP ang mga suspek at agad ding inihanda ang kaso laban sa mga ito.
Sa ngayon, ito ang isa sa itinuturing na pinakamalaking huli ng pupisya hinggil sa illegal na droga sa Camarines Norte. Pinaghihinalaan din na ang mga suspek ang responsible sa pagpapakalat ng droga sa mga bayan ng Jose Panganiban, Paracale, Sta Elena, Labo at ilang bahagi ng Bayan ng Daet.
Ricky Pera
CNNews
(Note: Naniniwala ang pahayagang ito na inosente pa ang mga suspek hanggat hindi napatutunayan ng korte.)