DALAWANG BAHAY KATABI NG GASOLINE STATION SA BRGY 8 DAET, NASUNOG!

DALAWANG BAHAY KATABI NG GASOLINE STATION SA BRGY 8 DAET, NASUNOG!

608-B

Tupok ng apoy ang dalawang bahay sa katabi mismo ng Mega Gas Gasoline station sa Peñafrancia St. Brgy 8, Daet, Camarines Norte kaninang alas 6:15 ng hapon. (July 10, 2014)

Ayun sa impormasyon, nagsimula diumano ang sunog sa tahanan ng isang Rachel Azucena at nakatawid sa katabing bahay ni Theresa Pajarin. Bagamat hindi pa naman ito kinukumpirma ng BFP hanggang sa sinusulat ang balitang ito.

Bago ang sunog, isang malakas na pagsabog ang narinig ng mga residente sa bahay ni Azucena.

Rumisponde ang mga miyembro ng pamatay sunog mula sa Daet Fire Station, Basud, Mercedes na pinamumunuan ni F/Insp. Buddy Arandia  at ang Chinese Chamber fire Volunteer/Kabalikat Charity 105 at Alpha Construction Fire Volunteer.

Alas 7:45 ng gabi ng ideklarang under control ang nasabing sunog.

Wala pa namang ulat ang BFP kung magkano ang halagang napinsala ng nasabing sunog hanggang sinusulat ang balitang ito.

Panoorin ang Video!

Video courtesy of Michael Yarte

Ricky Pera/Jp De Leon

CNNews Correpondents

Leave a Reply

Your email address will not be published.