OPEN FORUM SA CNSC, NILAYASAN NI PRES. DR. ILARDE! MGA INIMBITAHANG KONGRESISTA, HINDI SUMIPOT!

OPEN FORUM SA CNSC, NILAYASAN NI PRES. DR. ILARDE! MGA INIMBITAHANG KONGRESISTA, HINDI SUMIPOT!

Hindi na tinapos ni Camarines Norte State College President Dr. Monsito Ilarde ang ipinatawag na forum ng mga estudyante kahapon, July 11, 2014 na inorganisa ng Kabataan Party List Camarines Norte at ng Student Council ng nasabing paaralan.

Parang isa itong set-up!” “I’m sorry, I will leave this forum…” wika ni Ilarde bago ito tuluyang lumayas sa hindi aabot sa dalawang daang estudyante sa social hall ng CNSC.

Naging laman ng talakayan ang ilang mga usapin may kaugnayan sa mga bayarin sa Camarines Norte State College at ilang sistemang ipinatutupad ngayon ng dito, partikular ang mga paglilipat ng mga kurso mula at patungo sa iba’t ibang campuses ng CNSC, bagay na una na ring naipaliwanag ni Dr. Ilarde sa pagdalo nito sa Sangguniang Panlalawigan at maging sa mga panayam sa media.

Ilan pa sa mga kinuwestyon ng mga estudyante ay ang may kaugnayan sa kung saan napupunta ang Student Services Enhancement Fund na umaabot sa isang libong piso bawat isang estudyante. Maging ang mapanghing Comfort Room ay hindi umano mapalinisan at maipaayos. Pinabulaanan naman ito ni Ilarde, sa pagsasabing nagpapagawa sila ng mga bagong C.R. at ilan pang mga gusali sa paaralan. Maging ang mga upuan na sinasabing nagkukulang ay tinugunan din ng naturang opisyal sa pagsasabing 50 upuan lamang ang talagang nakatalaga sa isang classroom subalit dahilan sa dami ng mag-aaral na halos umaabot sa 60 bawat classroom ay hindi talaga ito sasapat.

Maging ang Culture and Arts Fee ay dinepensahan din ni Dr. Ilarde na anya’y maaaging magpa audit ang mga estudyante para malaman kung saan talaga ito napupunta.

Samantala, si bumuwelta naman si Ilarde nang kwestyunin nito ang scholarship ng CPAU o Cultural Performing Arts Unit gayung tila wala naman itong lubos na pakinabang sa kabuuan ng mga estudyante. Depensa naman ng mga mag-aaral na meron umanong mga accomplishment ang CPAU lalo na sa pag dadalo ng mga ito sa iba’t ibang kompetisyon, sabay ipinakita ang mga tropeyo na kanilang mga natanggap mula sa kompetisyon.

Ipinagmalaki din ng pangulo ng CNSC na kumpara sa iba’t ibang State Colleges and Universities sa rehiyong bicol, ang CNSC lamang ang hindi tumataas ang tuition fee na hanggang sa ngayon ay nagkakahalaga pa rin ito ng 150 pesos per unit. Kumpara anya sa ibang paaralan na umaabot na sa 200 to 250 pesos ang per unit.

Mas lalong uminit ang ulo ni Dr. Ilarde nang bitiwan ni Kabataan Party List Camarines Norte provincial coordinator Roger Data Jr. ang mga katagang “nag ngingit-ngit na ang mga estudyante sa galit” gayung nang tanungin naman ang mga estudyante ay wala namannakasagot o tumaas man lang ng kamay. Isa pa rito ang pahayag ni Roger Data na “huwag pagtiwalaan ang Board of Trustees ng CNSC…”.

Muling binigyan diin ni Dr. Ilarde na bilang pangulo ng paaralan ay sumusunod lamang sya sa mga umiiral na polisiya ng CHED, at tiniyak nitong nasa tama sya at wala syang anumang kinatatakutan sinuman hanggat sya ay nasa katuwiran.

Tinanong nito ang mga estudyante kung nais ba ng mga ito na matulad ang CNSC sa nangyari noon sa paaralan na kanyang pinanggalingan na sumira ng mga upuan ang mga estudyante at nagsunog ng ilang gamit bilang pagpapakita ng protesta.

Hinanakit pa ni Ilarde na hindi nya umano alam na ganun ang mangyayari sa forum na tila sya biktima ng “Set-up”, gayung pinayagan pa naman nya ang mga estudyante na ganapin ang nasabing aktibidad sa mismong social hall ng paaralan.

Samantala, ilan pa sa mga inimbitahan sa nasabing forum para kunan din ng paliwanag hinggil sa mga isyu partikular sa Congressional Scholarship ay sina 1st District Representative Catherine Barcelona-Reyes, 2nd district Representative Elmer E. Panotes at maging si dating 1st dist. Representative Renato Unico Jr.

Wala ni isa sa tatlong mga opisyal at dating opisyal ang dumalo na ikinadismaya naman ng mga estudyante. Tanging si Dr. Ilarde lamang ang dumalo at tila nagisa sa nasabing forum.

Kahit nagpaalam, ikinukunsidera pa rin ng mga estudyante na “Walk-out” ang biglaang pag paalam ni Dr. Ilarde at sinabing may iba pa itong pupuntahan. Isang malakas na palakpakan at “Booo!” ang ipinabaon ng mga estudyante sa pag layas ng pangulo ng kanilang paaralan.

Samantala, dumalo din sa nasabing forum ang militanteng estudyante na nagsisigaw at umagaw ng eksena habang nagsasalita si pangulong Benigno Aquino sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa lunsod ng naga kamakailan lang na si PIO Emmanuel Mijares ng Ateneo de Naga University, na naaresto at nasampahan ng kaso ng pulisya. Nag bigay din ito ng mensahe sa nasabing forum.

Pinamumunuan ni Roger Data Jr. ang Kabataan Partylist Camarines Norte, samantalang si Ian Sta. Maria naman ang tumatayong pangulo ng Student council na bahagi ng Board of Trustees ng CNSC.

JP De Leon

CNNews Correspondent

Rodel M. Llovit

Managing Editor,

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *