COMPULSORY COVERAGE NG SSS SA MGA CONTRACTUAL AT JOB ORDER NG LGU DAET IPINAPATUPAD! RESOLUSYON HINGGIL DITO, PINAGPALIBAN SA SB.

COMPULSORY COVERAGE NG SSS SA MGA CONTRACTUAL AT JOB ORDER NG LGU DAET IPINAPATUPAD! RESOLUSYON HINGGIL DITO, PINAGPALIBAN SA SB.

Isinusulong ni Kosehal Sherwin Asis ng Sanguniang bayan ng Daet sa pamamagitan ng isang resolusyon ang kahilingan na dagdag sweldo para sa mga contractual at Job Order na manggagawa sa pamahalaang local ng Daet. Ito ay para makatugon sa ipinatutupad na bagong panuntunan ng Social Security System (SSS) na compulsory coverage para sa nasabing mga manggagawa.

Nais ni Asis na makapag enroll din sa SSS ang nasabing mga manggagawa at magkaroon din ng pagkakataon na makapag loan at maseguro ang kanilang kinabukasan sa panahon ng kanilang pagreretiro.

Pinangalawahan naman ito ni Konsehal Jonjon Coreses na anyay kinakailangang makahanap ng paraan para para mapataas ang sahod ng mga Job Order at Contractual na manggagawa sa nasabing pamahalaang local.

Pansamantala namang hindi sumangayon si Liga ng mga Brgy President PB Benito Ochoa dahil kailangan muna umanong makagawa ng resolusyon  bago maitaas ang pasweldo sa mga ito. Bagay na sinang-ayunan naman ni Councilor Rosa Mia King upang  mapangalagaan ang budget ng nasabing mga Job orders at contractual employees na sa ngayon ay umaabot lamang sa 150 kada araw at kung mababawasan pa ay halos wala nang maiuuwi ang mga ito sa kanilang mga pamilya.

Imminungkahi din naman ni Councilor Joan de Luna na kung maaari ay magkaroon ng agreement sa pagitan ng mangggawa at munisipyo dahil hindi naman lahat ay nagtatagal sa kanilang posisyon.

Napagkasunduan ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Noel Ahlong Ong, na kailangan munang makausap ang mga opisyal ng Social Security System para mas maging malinaw at mapagdisisyunan ang nasabing issue.

Pansamantalang naisantabi ang naturang usapin hanggang hindi pa nareresolbahan ang mga isyung inilatag ng mga miyembro ng nasabing konseho.

Gian Jay Grijalvo

CNNews Correspondent

Leave a Reply

Your email address will not be published.