Sapat ang kahandaa ng bayan ng Daet hinggil sa disaster preparedness sa halos lahat ng aspeto. Ito ang naging pahayag ni Konsehal Joan Kristine Tabernilla De Luna sa panayam ng Camarines Norte News.
Sinabi ni Tabernilla na hindi lamang once a year, kundi halos apat na beses sa loob ng isang taon, binabalikan nila ang mga paaralan upang magkaroon ng karagdagang trainings at pagtuturo hinggil sa disaster preparedness, maging sa mga brgy ang halos lahat ng mga concerned officials ay sumailalim na rin sa trainings and seminars hinggil dito.
Sa usapin naman ng mga logistics, mga rescue vehicles, relief goods/bigas, evacuation centers etc, ay may pakikipag-ugnayan na rin sila sa mga personaheng kikilos hinggil dito.
Ngayong buwan, ang pagdiriwang ng Disaster Consciousness Month, a natapat naman sa pagpasok ng bagyong si Glenda na sa ngayon ay pinangangambahang tumama sa bahaging itaas ng Camarines Norte. Bagamat sa pagtataya ng pag-asa ay hindi ito tatama sa kalupaan ng Rehiyong Bicol, ang Camarines Norte naman ang pinakamalapit na dadaanan nito, at inaasahang aabutin ang lalawigan ng mga malalakas na pag ulan at pag lakas ng hangin sa susunod na 48 oras.
Sa ngayon ang lalawigan kasama ang ilang lugar sa rehiyon ay nasa ilalim na ng signal No. 2 at inaasahan pang tataas ito sa bahagi ng Camarines Norte.
Nanawagan si Konsehal Kristine Joan Tabernilla-de Luna sa publiko lalo na sa mga iba’t ibang sector na sumailalim na sa kanilang pagsasanay na maging alerto at tiyakin na magagamit ang kanilang mga pinagaralan at pagsasanay sa disaster preparedness upang maiwasan ang anumang casualty.
Ang Elevated Town Plaza ang itinakda ng MDRRMO Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office bilang Central Command and Evacuation Center sakaling tumaas ang alarma ng pagbaha o bagyo.
Gayunpaman, sapat pa din naman ang mga evacuation centers sa kada barangay na dati nang ginagamit tuwing nagkakaroon ng mga pag baha at kinakailangan lamang na tumungo at dalhin ang mga evacuees sa elevated plaza kung talagang kinakalangan lamang.
Dito rin naka sentro ang kanilang communication facilities na inagamit sa pakikipag-ugnayan sa lahat ng kanilang mga katuwang, katulad ng mga volunteer rescue groups, radio communication groups, red cross, pnp, coastguard, dpwh at hanggang sa mga brgy rescue officers.
Muling tiniyak ni Tabernilla na kahit hindi panahon ng bagyo ay nakahanda ang kanilang grpo sa MDRRMO sa anumang maaaring maganap na sakuna, hindi lamang sa mga kalamidad kundi maging sa man made disaster katulad ng aksidente at mga kahalintulad na kaganapan.
MDRRMO MEETING
Samantala, ngayon nang umaga, sa pagtatapos ng regular session ng Sangguniang Bayan ng Daet, agad na itutuloy na ang pagpapatawag ng pulong ng MDRRMO para sa preparasyon hinggil sa paparating na bagyong si Glenda. Nakatakda pa ito ngayong hapon subalit napagkasunduan na agad nang ideretso ang kanilang sesyon sa Disaster Preparedness Meeting. Nakatakdang dumating sa nasabing pulong ang mga Punong Brgys o kanilang kinatawan, MDRRMO officials, Mun. Administrator Santi Mella, kinatawan mula sa PAGASA, mga volunteer rescue teams, radio communication groups at ilan pang bahagi na ng paghahanda sa sakuna.
NO FISHING
Nagpalabas na ng kaatasan ang Philippine Coastguard para sa pagbabawal sa paglalayag sa karagatang sakop ng lalawigan ng Camarines Norte.
Sa pagpasok pa lamang ng naturang bagyo sa Philippine Area of Responsobility (PAR) kaninang medaling araw, ay inalerto na ng nasabing mga awtoridad sa karagatan ang kanilang mga tauhan upang matiyak na walang papalaot lalo pa’t patungo sa direksyon malapit sa Camarines Norte ang direksyon ni Glenda.
Subalit kanina, umaga lamang din, may napaulat na may ilang mangingisda sa karagatang ng bayan ng Mercedes ang nagpalaot pa rin. Kung kayat agaran din itong sinaway ng Phil Coastguard.
Maging ang mga alkade na kasalukuyang nasa lunsod ng Cebu para sa isang aktibidad ay nag kanya-kanya na ring tawag sa kanilang mga care-taker sa kani-kanilang mga opisina na agarang magpalabas ng paalala sa kanilang mga mamamayan lalo na ang mga bayan na malapit sa karagatan.
Rodel Llovit/Gian Jay Grijalvo
CN News