GOV. TALLADO, NAGDEKLARA NA NG HALF-DAY-WORK PARA NGAYONG ARAW, CAM NORTE, SIGNAL NO. 3 NA! (as of 11AM July 15, 2014)
Nagdeklara na si Governor Edgardo Tallado na wala nang pasok ngayong araw, July 14, 2014 para sa mga lahat ng mga manggagawa ng pamahalaan, kasama na ang mga National Government Agencies, at lahat ng level ng paaralan.
Sa pamamagitan ni Community Affairs Officer at Provincial Information Officer, Jing Ariola Calimlim ipinahayag ni Gov. Tallado ang kanyang panawagan sa publiko kaugnay ng nasabing pagpapatigil ng pag gawa at sa paaralan.
Ayun kay Calimlim, minarapat ni Governor Tallado na wag nang papasukin ang mga manggagawa ngayong hapon dahilan sa kinakailangan din ng mga ito na makapag handa para sa kani-kanilang mga tahanan at pamilya. Ito anya ay para may panahon pa ang mga ito na makabili ng kanilang mga pangangailangan sa panahon ng bagyo.
Samantala, dineklara na ng PAGASA sa ilalim ng public storm signal No. 3 ang lalawigan ng Camarines Norte. (Update: 11AM July 15, 2014)
PDRRMO PREPARATIONS
Samantala, handang handa na ang Provincial Disaster Risk Reduction Management Office para sa pag daan ng bagyong GLENDA. Kahapon pa nagpatawag na ng pagpupulong ang tanggapan ng gobernador at inihanda na ang lahat ng mga kinakailangan para sa naturang kalamidad.
Nakasentro ang lahat ng komunikasyon at impormasyon sa PDRRMO sa mismong kapitolyo. Dito iipunin ang lahat ng mga datus na makukuha mula sa ibat ibang tanggapan mula sa mga Barangay, PHO, Rescue Teams, PNP, Phil army, Information Office, Dept. Ed, BFP, DPWH, PAGASA, GSO, Communication Groups, Media at ilan pang mga tanggapan at mga personaheng kabahagi ng Disaster Preparedness.
Samantala, sinabi naman ni PIO Jing Calimlim na maging ang Radyo ng Bayan at mag bo-broadcast ng hanggang 24 oras kung kinakailangan at nakahanda na rin ang kanilang mga communication equipments maging ang kanilang generator set.
Nanawagan na rin si Gov. Tallado sa lahat ng mga mamamayan na nasa delikadong lugar katulad ng mga landslide at flood prone areas, na maging alerto at sumunod sa magiging kaatasan ng mga opisyal ng barangay at mga awtoridad.
Mahigpit din ang tagubilin ng gobernador sa mga awtoridad sa karagatan na huwag papayagan ang sinumang mangingisda na magpalaot dahul
Samantala maging ang mga MDRRMO mula naman sa labing dalawang bayan ng Camarines Norte ay nakahanda na rin. Kahapon pa lamang din ay kanya-kanya nang patawag ng pagpupulong ang mga MDRRMO para naman sa paghahanda sa kani-kanilang mga Bayan. Ilang mga alkalde ang wala ngayon sa lalawigan dahilan sa isang aktibidad na dinaluhan ng mga alkalde sa lunsod ng Cebu nito pang mga nakatalikod na araw, subalit sa kabila nito ay nagagawa pa din naman ng mga alkalde na makapag bigay ng direktiba sa pamamagitan ng telepono..
EVACUATION CENTERS
Handa na rin ang mga evacuation centers sa mga barangay sa lalawigan. Bukod sa mga itinalaga na at mga dati nang ginagamit na evacuation centers, may kaatasan din sa mga paaralan na ipagamit ang kanilang mga classrooms para sa mga evacuees sakaling lumikas ang mga ito.
Samantala, ilang guro naman ang nanawagan sa mga opiysal ng barangay na tiyakin na hindi masisira at mawawalan ng gamit ang kanilang mga classrooms. Inirekomenda ng ilang guro na magtalaga ng isang mamahala sa bawat classroom na mismong magmumula sa mga evacuees. Itoy upang mabantayan ang kanilang mga kagamitan sa loob ng paaralan na madalas na nagiging problema ng mga guro pagkatapos ng kalamidad.
CNNews