120,000 SEEDLINGS NG CACAO SA BAYAN NG LABO MAIIPAMAHAGI NA SA BUWAN NG SEPTEMBER HANGGNG OCTOBER

120,000 SEEDLINGS NG CACAO SA BAYAN NG LABO MAIIPAMAHAGI NA SA BUWAN NG SEPTEMBER HANGGNG OCTOBER

Maari ng maipamahagi ng Alkalde ng Bayan ng Labo na si Mayor Joseph Ascutia sa buwan ng September hanggang October ang umaabot sa 120,000 pananim na puno ng cacao sa mga nagnanais na makiisa sa proyektong nais na ilunsad ng kanilang Alkalde.

Ayon kay Mayor Ascutia na ibat ibang variety ng cacao ang nakahandang ipamahagi sa ibat ibang Baranggay sa Bayan ng Labo, nais ng alkalde na bigyan ng pang matagalang pagkakakitaan ang kangyang mga kababayan na mga magsasaka, na halos ay umaasa lamang sa pagtatanim ng palay at niyog. Nabatid din na may tiyak na ring buyer ng nasabing mga produkto na una na ring nakausap ng alkalde.

Ang bunga ng puno ng cacao ang ginagawang chocolate at kape na indemand ngayon sa Market kung kayat ito ang nakikitang makakaragdag ng pagkakakitaan ng mga magsasaka sa kababayan sa bayan ng labo.

Ayon pa kay Mayor Joseph Ascutia, di lang ito ipapamahagi upang itanim kundi itoy imomonitor ng tanggapan ng alkalde upang masiguro na itoy papakinabangan at makatutulong sa pangkabuhayan ng kanyang mga kababayan.

Ang programang ito ay bahagi ng kanyang advocacy upang palakasin ang livelihood program sa kanyang bayan.

Ricky Pera

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *