MGA HEAVY EQUIPMENTS NG LGU LABO IPAPAAYOS NA LAMANG UPANG MAKATIPID!

MGA HEAVY EQUIPMENTS NG LGU LABO IPAPAAYOS NA LAMANG UPANG MAKATIPID!

Isasaayos na lamang ang mga nasirang mga equipments ng lokal na pamahalaan ng Bayan ng Labo.

Ito ang nais ni Mayor Joseph Ascutia upang makatipid ng malaki ang kabang bayan ng kanilang lokal na pamahalaan.

Matatandaan na ng manungkualan ang kasalukuyang Alkalde ay halos walang mapakinabangan na mga equipments at itoy naka-junk na lamang sa motorpool ng kanilang bayan. Sa kasalukuyan ay inumpisahan na ni Mayor Joseph Ascutia na isaayos ang lahat na mga sirang sasakyan maging ang mga heavy equipments na matagal ng nakaimbak sa motorpool.

Una ng naisaayos ay ang ambulansya na pinakikinabangan na ng kanyang mga kababayan sa ngayon. Ninais ito ng alkalde dahil malaki ang matitipid ng kanilang bayan at magamit pa ang ilang pondo sa ibang proyekto na mas higit na kailangan ng kanyang mga kababayan.

Ricky Pera                                       

Leave a Reply

Your email address will not be published.