7 CANORECO BOARD OF DIRECTORS, SINUSPINDE NG NEA!

7 CANORECO BOARD OF DIRECTORS, SINUSPINDE NG NEA!

Pinatawan ng anim na pung (60) araw  na preventive suspension ng National Electrification Administration, NEA, ang pitong miyembro ng Board of Directors ng Camarines Norte Electric Cooperative at dalawang dating OIC ng naturang kooperatiba. (NEA ADMIN Case No. 11-07-14)

Ito ay bilang tugon sa Memorandum na may petsang Mayo 27, 2014 ng Deputy Administrator for EDUS kaugnay ng CANORECO’s Management Justification and Action Plans on the NEA Comprehensive Audit na sumasaklaw sa sa mga panahon ng Agusto 1, 2011 hanggang July 31, 2014.

Lumalabas sa nasabing audit report na nakakitaan ng posibilidad ng paglabag o/at pagkakamali at nabigong proteksyunan ang interes ng kooperatiba.

Tinukoy sa kaatasan ang mga kadahilanan na mga sumusunod:

  1. Ang pakikialam ng Board sa trabaho ng PBAC sa pagkakaloob ng kontrata para sa supply at deliver at installation ng dalawang unit ng 5 MVA substation; at pagpapagawa ng 69KV line ng hindi sumusunod sa tamang proseso ng bidding at ebalwasyon ng bids na umabot sa napakalaking tinatayang deperensya sa presyo ng umaabot sa P23,199,970.42
  1. Grave abuse of Discretion and open defiance sa panuntunan ng NEA hinggil sa disposal ng 10 MVA power transformer sa pamamagitan ng trade-in;
  1. Ang pagkakaloob ng kontrata sa Strikeforce Alpha Security Services, Inc. gayung ito ang may pinakamataas na bid sa hanay ng mga kwalipikadong bidders. Napag alaman din na ang “freebies” ang itinuring na dahilan sa pagkakaloob ng kontrata sa nasabing Security Agency, gayung hindi naman ito sasapat kung itatapat sa umaabot sa halagang P724,752.00 na deperensya sa dapat sanay nanalong bidder. Nakakitaan ito ng hindi patas na pagtrato sa mga sumali sa bidding.
  1. Ang wireless connectivity project na kung saan ay na-abort ang kontrata matapos na i-revoke ng BP Integrated Technoligies, Inc. ang representasyon na ipinagkaloob kay Ginoong O. F. Gomez mpagkatapos na makapagbigay ng inisyal na bayarin na nagkakahalaga ng P1,523,229.56 . EC’s justification that it has taken over all materials and equipment of the contractor is pointless if these are not operational/functional and without benefits to the cooperative,
  1. Ang hindi pag sunod at paulit-ulit na hindi pagtalima sa alituntunin ng NEA may kaugnayan mga         benepisyo at allowances; write-off power bills

Ang nasabing mga kadahilanan ay naging dahilan para makakitaan ng sapat na batayan at para pansamantalang suspendihin upang hindi makaimpluwensya sa maaring maging mga testigo laban sa mga ito, at upang hindi rin makapakialam sa mga records at ebidensya at upang maproteksyunan ang kooperatiba, sa operasyon at mga assets nito habang isinasagawa ang imbestigasyon laban sa mga akusado.

Binanggit din sa suspension order ng NEA ang isang kahalintulad na kaso na Trade and Investment Development Corp. vs Ma. Rosario S. Manalang-Demigillo, G.R. No. 176343 na may petsang Setyembre 18, 2012 na dinesisyunan ng Korte Suprema na inilapat din ang kahalintulad na suspension.

Kung kayat, alinsunod sa Sec. 4-A (a) at (b) ng RA No. 10531, at NEA Board Resolution No. 24-A, na may petsang April 21, 1989, na nagsasaad ng kapangyarihan ng National Electrification Administration na mag patupad ng preventive suspension sa mga kasong administratibo, pinatawan ng preventive suspension sa loob ng anim na pung (60) araw  na magkakabisa sa oras ng kanilang pag tanggap sina;

  1. Board President ARWIN SEGUNDO
  2. Director CESAR BRONDIA
  3. Director DOMINGO SARMIENTO
  4. Director HENRY ZAÑO
  5. Director FREDDIE PARALE
  6. Director ALEXANDER BARDON
  7. Director ELMER DASCO
  8. Former OIC Eng’r. HENRY SENDON
  9. Mr. EFREN BELGADO

Mismong si Project Supervisor-Acting General Manager Eng’r. Wilfredo Bucsit ang inatasan ng NEA na magpatupad ng nasabing suspension order na nilagdaan naman ni NEA Administrator Editha S. Bueno nito lamang Hulyo 7, 2014.

Bukod sa siyam (9) na nabanggit na personalidad, dalawa pang empleyado ng CANORECO ang umano ay isinailalim na rin sa suspensyon hinggil naman sa kwestyonableng transaksyon na may kaugnayan sa hindi maipaliwanag na pagkawala ng salapi ng kooperatiba.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.