Umuusad na ang panibagong administratibo, Grave Misconduct na isinampa ni Liga ng mga Brgy President Konsehal Buding Segundo laban kay Mayor Agnes Ang ng Vinzons sa Sangguniang Panlalawigan.
Mula sa rekomendasyon sa committee meeting ng Justice and Good Government ng Sangguniang Panlalawigan ng Camarines Norte, minarapat ng mga miyembro ng SP sa pangunguna ni Vice Governor Jonah Pimentel, personal na tinungo ng mga ito kahapon, July 23, 2014 ang kinukwestyong 1.5M worth break water na diumano’y Ghost Project sa Brgy Sula sa bayan ng Vinzons.
Kasama na tumungo sa lugar ang kinatawan mula sa Department and Public Works ang Highways DPWH Cam Norte at ang mismong Municipal Engineer ng bayan ng Vinzons upang Makita kung may sapat na batayan ang isinampang reklamo sa SP ni Liga ng mga Brgy President Buding Segundo laban kay Mayor Agnes Diezmo-Ang.
Sa pag daong pa lamang ng Bangka ng grupo, makikita na ang mga namamaranggay sa nasabing lugar na naghihintay, kasama ang mga opisyal ng Brgy sula.
Bago sinimulan ang inspeksyon, agad na pnulong muna ni Vice Governor Jonah Pimentel ang mga opisyal ng Brgy at ang kanyang mga kasamahan upang pag usapan kung papano gagawin ang pagsusukat at ang proseso para dito. Layunin nitong hindi mabahiran ng pulitika at matiyak din na magiging patas sa magkabilang panig ang gagawing pag sisiyasat.
Una, ipinakita ng panig ng DPWH at Mun. Engr. ng Vinzons ang kani-kanilang mga program of works ng dalawang magkatabing break water.
Ayun kay Bokal Gerry Quiñonez, chairman ng Comm. on Infra ng Sangguniang Panlalawigan, base anya sa DPWH, nagkaroon ng change order o pagbabago sa orihinal na specification ng proyekto mula sa 51 meters na haba ng istraktura na walang pile (pilote) na nagkakahalaga ng 1M pesos, binago ito tungo sa apat (4) na metro na lamang dahil sa nagsagawa pa ng dredging para sa pilote para sa 1st phase at karugtong nito ang 2nd phase na umaabot sa 4.8 meters na nagkaroon ng kabuuang 8.5 meters.
Samantala, sa proyekto naman ng LGU Vinzons, na nagkakahalaga ng 1.450M pesos, unang inilatag ng Municipal Engr. base sa Program of Works na aabot sa 10.7 meters, na sa pagsukat ay umabot lamang ito ng 10.5 meters. Ipinaliwanag ni MEO na ang kulang na 20 centimeters ay nasa slope patungo sa pundasyon ay sumakto na ang sukat nito.
Pagkatapos na inspeksyon, agaran na ring ipinagpatuloy ang sesyon at dito nagkaroon ng rekomendasyon si Bokal Gerry Quiñonez sa kometiba na ipa-validate sa Provincial Engineering Office ang sinasabing program of works na may Change Order upang matiyak kung ito ay nasa tamang proseso.
Matapos nito ay muling inirefer sa kometiba ang usapin at pansamantalang hindi na muna nagbigay ng komento ang mga miyembro ng Sangguniang panlalawigan.
Paliwanag ng mga bokal at ni Vice governor Pimentel, iniiwasan nilang mapagusapan nila sa labas ng sesyon ang nasabing usapin dahilan sa maselan ang nasabing kaso at isang Halal na opisyal ang inirereklamo.
Mahalaga din anila na maging tikom muna ang kanilang bibig hinggil dito hanggat hindi pa nila natatapos ang pag iimbestiga at pag aaral sa naturang usapin.
Gayunpaman, tiniyak din naman ng SP na ipapaalam din sa publiko ang kung anuman ang magiging resulta ng kanilang imbestigasyon sa tamang panahon para na rin sa kaalaman ng mamamayan partikular sa bayan ng Vinzons na syang pangunahing apektado ng naturang usapin.
Rodel Llovit/Ricky Pera/Gian Grijalvo
Camarines Norte News
Ma. Eliza H. Llovit, Editor
OTHER PHOTOS