SELEBRASYON NG IKA-36 NATIONAL DISABILITY PREVENTION AND REHABILITATION WEEK IPINAGDIWANG SA CAMARINES NORTE

SELEBRASYON NG IKA-36 NATIONAL DISABILITY PREVENTION AND REHABILITATION WEEK IPINAGDIWANG SA CAMARINES NORTE

Ipinagdiwang kamakalawa, July 22, 2014 sa lalawigan ng Camarines Norte ang selebrasyon ng ika-36 National Disability Prevention Week (Hulyo 17-23) sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWSDO) ng pamahalaang panlalawigan.

Sa bahagi ng programa, isinagawa ang misang pasasalamat sa St. John the Baptish Parish sa bayan ng Daet kasunod din nito ang parada mula sa mga paaralan ng Special Education (SPED).

Isinagawa ang aktibidad sa agro-sports center ng kapitolyo probinsiya at iba pang programa ganundin ang ilang mga paligsahan para sa mga Persons with Disabilites (PWDs).

Sa mensaheng ipinahayag ni Board Member Joaquin Emmanuel G. Pimentel, ex-officio member (Philippine Councilors League) ng Sangguniang Panlalawigan, ang pamahalaang panlalawigan ay kinikilala ang kahalagahan ng inyong sektor, kami ay kasama ninyo sa paglalakbay upang ang inyong mga pangarap ay ating marating.

Aniya, sa katunayan, ang sangguniang panlalawigan ay nagpasa ng ilang mga ordinansa at mga resolusyon para sa kapakanan ng mga PWDs.

Matatandaan na mayroong ipinasang ordinansa para sa scholarship ng mga PWDs kasama ang kanilang mga anak, ito ay ginawa upang magkaroon ng hiwalay na pondo para sa mga PWDs ayon pa rin kay Pimentel.

Dagdag pa ni Pimentel na ito ay espesyal na pondo para sa mga iskolar ng ating pamahalaang panlalawigan na inaprubahan ni Gobernador Edgardo A. Tallado at sa kasalukuyan ay mayroon ng mga nakikinabang sa programang ito.

Sa mga hindi pa nakakaalam ng programa, ito ay bukas na at pwede ng mapakinabangan ng mga PWDs.

Ayon pa sa pahayag ni Pimentel, may mga pagkilala tayo sa mga miyembro ng inyong sektor na kinikilala ang kanilang mga nakamit hindi lang dito kundi maging sa ibang bansa.

Ito ay upang maipakita sa lahat na hindi hadlang ang kapansanan na marating ang ating mga pangarap para maging kapaki-pakinabang tayo sa ating lipunan dagdag pa ni Pimentel.

Ibinalita rin ni Pimentel na inaprubahan na ni Gobernador Tallado ang isang ordinansa na lumilikha ng tanggapan para sa mga PWDs, ito ang Persons with Disability Affairs Office (PDAO).

Anumang araw ay magkakaroon na ng tanggapan para sa mga PWDs na mamumuno upang ang kanilang kapakanan ay mabigyan ng pansin ng pamahalaang panlalawigan.

Sinabi pa ni Pimentel na ito ay kauna-unahan sa ating bansa na maaaring maging modelo para sa ibang lalawigan at ito rin ang titingin at mangunguna sa pangangalaga sa mga PWDS para sa kanilang kapakanan at kabutihan.

Kung mayroon mga opinyon na puwede nating magawa para makadagdag ng serbisyo ang ating pamahalaang panlalawigan sa mga PWDs ay ipaabot agad ito upang matugunan ang anumang mga pangangailangan dagdag pa ni Pimentel.

Tema ng selebrasyon ngayong taon ang “Talino at Paninindigan ng Taong may Kapansanan, Pasaporte sa Kaunlaran”

by: Reyjun Villamonte PIA-CN

OTHER PHOTOS:

SPED2-608
SPED3-608

Leave a Reply

Your email address will not be published.