Humingi na ng rescue sa Sangguniang Bayan ng Daet si Punong Barangay Ysmael Talento ng Brgy San Isidro hinggil sa problema ng kalsada patungo sa kanilang Brgy.
Ilang reklamo na rin mula sa mga residente dito hinggil sa kanilang kalsada ang nakakarating na hanggang sa mga social media at naka post ang mga larawan ng mga lubak lubak na kalsada sa nasabing lugar.
Ayun kay talento, nakapagbigay na rin sa kanila ang pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ni Governor Edgardo Tallado ng halagang dalawang milyong piso para sa pagpapasemento ng kalsada sa kanilang Barangay, kung kayat maayos na din naman ang malaking bahagi ng kanilang kalsada, subalit ang kanila na lamang na pinoroblema ay ang kalsada sa bahagi na sakop ng Brgy 1, Daet na nasasakupan naman ni Punong Brgy Tina Rano. Sa kanya naman umanong pakikipag ugnayan sa punong brgy ng Brgy uno, sinabi naman anya ni PB Rano na wala silang sapat na pondo para sa pagpapaayos ng naturang sira-sirang kalsada. Si PB Talento ang nagpaabot na ng reklamo sa SB dahilan sa sila ang pangunahing apektado ng naturang sitwasyon kanilang karatig Brgy.
Samantala, napagkasunduan naman ng Sangguniang Bayan ng Daet na ipatawag si Municipal Engineer Jesus Fernandez upang alamin ang estado ng mga Municipal Road repairs na isinasagawa ng MEO. Nais din malaman ng SB Daet kung ano ang klasipikasyon ng nasabing kalsada, kung nito ay Municipal Road o Provincial Road.
Nito lamang nakatalikod na buwan ng Abril ay nakapagpasa na ng resolusyon ang Sangguniang Bayan ng Daet ng para sa kahilingan sa tanggapan ni Mayor Tito Sarion na maipaayos ang kalsada sa nasabing mga Brgy.
Nais malaman ng SB kung ano na ang naging pagkilos dito ng tanggapan ni Fernandez gayung ito ang pangunahing tanggapan na dapat ay tumutugon sa mga municipal roads na sakop ng Daet.
Nais ng naturang konseho na sa lalong medaling panahon ay matugunan na ang nasabing kalsada dahilan sa matagal na rin itong laman ng mga pagbatikos ng mga residente at mga motorist sa dalawang nasambit na barangay,
TRANSPORTATION ISSUE
Inirereklamo na rin ng mga tricycle drivers and operators at mga karetela na byaheng San Isidro Daet ang diumanoy nagpapatuloy na operasyon ng “Habal-Habal” sa kanilang lugar.
Mismong si Konsehal Elmer Bacuño ay nabanggit na rin sa sesyon kahapon ang anyay presensya ng Habal-Habal sa nasabing ruta.
Nabatid sa ilang impormasyon na mismong sa pagitan ng 7/11 convenient store at St. John D Baptist makikitang nakaparada ang mga motorsiklong sinasakyan ng mga nagmamadaling pasahero patungo sa brgy San Isidro.
May ilang pagkakataon na rin ayun sa ilang source na nagkaroon ng pagtatalo at hanggang sa nauuwi sa away sa pagitan ng tricycle drivers at habal-habal drivers sa nasabing lugar.
Samantala, wala pa naman malinaw na pagkilos hinggil dito ang pamunuan ng Dalawang Brgy at maging ang mga pulisya dahilan na rin sa mismong ang mga pasahero na ng habal habal ang nagsasabing mas nakakamura at convenient sila sa kanilang biyahe papasok sa nasabing brgy.
Bagamat matagal na at nag-iisang brgy na lamang sa bayan ng Daet ang gumagamit pa ng kalesa sa kanilang pag bibiyahe, hindi pa rin ito maikunsiderang ligtas dahilan sa ilang aksidente na rin sa kalesa ang naitala sa naturang lugar. May isang pagkakataon pa na bigla na lamang nag “wild” ang kabayo ng kalesa na sinasakyan ng siyam na kabataan na nahulog sa mismong bangin ng ilog na may lalim ng hanggang sampung talampakan nito lamang nakatalikod na mga buwan .
Rodel Llovit/Gian Grijalvo
Camarines Norte News