PHILHEALTH EXPANSION SA MGA JOB ORDER SA BAYAN NG DAET, TINALAKAY

PHILHEALTH EXPANSION SA MGA JOB ORDER SA BAYAN NG DAET, TINALAKAY

Tinalakay sa Sangguniang Bayan ng Daet  ang Philhealth exapansion sa mga Job order upang makatulong sa pangangailangan sa serbisyong medikal at maaaring mapakinabangan din ng mga kaanak na dependent  ng mga nagtatrabaho sa ilalim ng Job order. Ipinaliwanag ito nila Khristine Mae Olaguera at Eva Buan  mga kawani ng Philhealth.

Ang nasabing benipisyo ay maaaring magamit  matapos  ang tatlong buwan ng kanilang enrollment sa Philhealth. Ayon pa kay Olaguera dalawang  daang piso ang magiging kontribusyon  ng bawat job order kada buwan na ang kalahati ay kukunin naman sa kanilang employer habang sila ay naninilbihan sa kanilang tungkulin sa pamahalaang lokal ng Daet.

Sinabi naman ni Konssehal Elmer Bacuno na kailangang dagdagan ang pasuweldo  ng mga nasabing manggagawa upang hindi maramdaman ang pag kaltas  sa kanilang sahod.  Iminungkahi din ng konsehal ( Bacuno) na kung maaari ay maisama din ang benipisyo sa Out Patient Department (OPD )para makatulong sa kanilang pagpapacheck up. Ito ay sinagot ni Oliguera na ayon  sa kanya ay patuloy nila itong sinusulusyunan.

Isa namang katanungan ang  nabanggit ni konsehal Rosa Mia King. Kung paano maiiwasan ang pag excess sa bill ng mga pasyente na kanilang binabayaran dahil umano sa mataas na presyo ng gamot sa loob ng ospital. Sinagot  rin naman ito ng opisyal ng Philhealth sa pamamagitan ng Philhealth Cares na nagtatatrabaho sa Philhealth para Imonitor ang transakyon sa  loob ng ospital  sa pamamagitan ng pag tingin sa bawat chart ng mga pasyente.

Itinanong din ni Konsehal Jose Angelo Correses ano  ang pwedeng ipataw na kaparusahan sa mga ospital n mapapatunayang nagmamanipula ng presyo  ng gamot. Ang pahayag naman nila Oligueara at Buan  ay maaaring masuspinde  o mawalan ng Philhealth accridetation ang mga ospital na napatunayang  nagkasala ngunit kinakailangang gumawa ng sulat (Black  and White) upang magawa nila ang kaukulang aksyon  ukol sa kanilang  hinaing.

Iminungkahi naman ni Kagawad Joan Kristine de Luna na kung maaari ay sa  susunod n taon na maisagawa ang Philhealth expansion para maisaayos ang dagdag na sahod sa mga Job Order na pinangalawahan ni Konsehal Joseph Panotes para masiguradong mailalagay ito sa budget  para sa 2015 na pinaunlakan naman ng mga empleyado ng Philhealth.

Gian Grijalvo

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.