UPDATE/BREAKING NEWS!!! LALAKING TUMALON SA DAET RIVER, LUMUTANG NA!

UPDATE/BREAKING NEWS!!! LALAKING TUMALON SA DAET RIVER, LUMUTANG NA!

Matapos ang halos isa’t kalahating araw, natagpuan na rin ang bangkay ni Willy Boy Morales na tumalon kamakalawa ng hapon sa Daet River.

Ilang oras din na halos sinuyod ng mga rescuers ang ilog kung saan tumalon ang biktima hanggang sa dulo na posibleng inanod ang bangkay subalit nabigo ang mga itong matagpuan ang katawan ni Morales.

Kaninang umaga, July 31, 2013, kinagisnan ng mga tao malapit sa ilog ang isang bangkay na nakalutang sa ilog malapit din mismo sa mismong tinalunan ng biktima.

STORIES BEHIND

Selos ang itinuturong posibleng dahilan ng pagpapakamatay ng biktimang si Willy Boy Morales. Bago tumalon sa ilog, huling nakitang nag iinuman pa ang ang mga ito kasama ang isang kaibigan at mismong ang kinakasama nito na isang Pipi at Bingi (deaf and mute).

Nabatid na muli na naming nag away ang dalawa dahil sa umanoy matinding selos ng babae. Bunsod nito, matapos na malasing ang biktima, umakyat ito sa tulay at saka tumalon habang lango pa sa kalasingan.

Napag-alaman na may anak nang sampu (10) ang babae sa unang mga naging kinasama nito, samantalang sa loob ng apat na taon nilang pagsasama ng biktima ay wala na syang naging anak dito.

Si Willy Boy, ay wala ring matinong trabaho na dito lamang sa may malapit sa ilalim ng tulay nakatira ang mga ito. Tanging ang pangangalakal ng basura na nagmumula sa mga itinatapong basura o mga karton at iba pang mapakikinabangan kumukuha ng kabuhayan ang biktima.

Araw araw din umanong umiinom si Morales pagkatapos na makapagdelehensya mula sa pangangalakal.

Ito na ang pangatlong pagkakataon na nagpakamatay at tumalon sa ilog ang biktima hanggang sa natuluyan na ito sa pinakahuling pagtatangka.

BASAHIN ANG KAUGNAY NA BALITA –> PREVIOUS NEWS

Photo courtesy of Bhong Regnim

608

Leave a Reply

Your email address will not be published.