MENRO DAET, HINDI NA MAGKOKOLEKTA NG BASURA SA MGA BAHAY! PICK UP STATIONS SA BAWAT BRGY, IPINATATALAGA!

MENRO DAET, HINDI NA MAGKOKOLEKTA NG BASURA SA MGA BAHAY! PICK UP STATIONS SA BAWAT BRGY, IPINATATALAGA!

Unti unti nang ipinatutupad ng pamunuan ng MENRO โ€“ Municipal Environment and Natural Resources Office Daet ang mga alituntunin hinggil sa Waste disposal and collection alinsunod naman sa Comprehensive Solid Waste Management Act of 2002 RA 9003.

Buwan pa ng Enero ng simulan ng MENRO Daet at ng tanggapan ni Konsehal Joan Kristine Tabernilla de Luna, SB Committee Chair on Health and Sanitation ang pagpapaabot ng impormasyon sa bawat Brgy na kinatawan naman ng kani-kanilang mga Brgy Council para sa BECA o Brgy Environment Coordinators Association.

Sa nasabing seminar, tinalakay ang mga usapin hinggil sa mga programa ng pamahalaang lokal kaugnay sa waste disposal sa nasabing bayan. Kasama dito ang hinggil sa pag titigil na ng pag kolekta ng mga basura mula sa mismong mga tahanan na isinasaad naman sa naturang batas.

Dito napagkasunduan at sinang-ayunan ang pagtatalaga ng bawat brgy ng kani-kanilang environmental officer at garbage collector na kokolekta ng basura mula sa mga tahanan at syang magdadala tungo sa pick up station na itinalaga.

Sa panayam ng Camarines Norte News kay Ginoong Rene Rosales, tagapamuno ng MENRO-Daet na nagsagawa rin sila ng personal na pagiikot sa mga Barangay at nagsagawa ng public information drive at education campaign hinggil sa waste segregation at patungkol din sa naturang bagong sistemang ipatutupad.

Obligasyon din umano ng Brgy ang pagbabantay sa mga garbage pick-up stations upang hindi ito maging tapunan ng basura ng kung saan saan galing. Ayun kay rosales, tanging ang mga basura lamang mula sa mga tahanan sa nasasakupan ng Brgy ang maaaring mag tapos ng basura dito.

Hanggang sa lima o maaaring lumagpas pa ang bilang ng mga pick up station ang maaaring italaga ng mga opisyal ng Brgy depende ito sa dami ng tao at lawak ng isang Brgy.

Sa ngayon, siyam na lamang sa dalawamput limang brgy ng Daet ang hindi pa nagkapagsusumite ng kani-kanilang itinalagang pick up stations. Ang hindi pa anya nakakapag sumite ay magiging least priority nila sa ngayon at kanila munang uunahin ang mga nag comply na sa nasabing panuntunan.

Ayun pa kay Rosales, sa ngayon ay paunti-unti pa lamang nilang inilalapat ang mga alituntunin hinggil sa mga programa ng pamahalaan patungkol sa waste disposal at sa mga susunod na panahon ay tuluyan na nila itong ipatutupad ng mahigpitan. Kasama na dito ang hindi pagkolekta ng basura kung hindi naka hiwalay ang nabubulok at hindi nabubulok.

Pinuri din ni Rosales ang Barangay IV at Barangay Camambugan na merong sariling garbage truck na lubos na nakakatulong sa kanilang trabaho.

608-2
Menro-daet-608-1

SITUATION OF GARBAGE TRUCKS. LGU DAET, TO PURCHASE NEW GARBAGE TRUCKS

Samantala, ibinunyag ni Ginoong Rene Rosales na sa ngayon ay dalawa na lamang sa limang garbage truck ng Daet ang kanilang nagagamit. Isa sa dalawang ito ay pabalik-balik pa anya sa repair shop kung kayat labis na apektado ang kanilang trabaho ng nasabing sitwasyon.

Ilan sa mga dating garbage truck na hindi ngayon magamit ay nag eedad na ng umaabot sa 23 taon, 18 at 7 taon. Tanging ang pinakabagong compactor na lamang ang maituturing na matino ang serbisyo na nag eedad na rin ng tatlong taon sa ngayon.

Gayunpaman, sa kabila nito, tiniyak naman ni Ginoong Rosales na ginagawa nila ang kanilang kakayahan, hanggang sa pag oovertime ng kanilang mga tauhan para lamang matiyak mahahakot nila ang mga basura lalo na sa mga pangunahing lugar ng Daet.

Anya, hindi na rin naman matatagalan ay masusulusyunan na ang problemang ito dahilan sa pinamamadali na rin ni Mayor Tito Sarion sa kinauukulang opisina sa LGU Daet na makabili na sa lalong medaling panahon ng mga bagong garbage truck upang makapagsilbi ng maayos sa mamamayan ng Daet.

Possible umano bago matapos ang taong 2014 o sa mga unang quarter ng 2015 ay makabili na ng nasabing mga bagong kagamitan.

Sa harap nito, nanawagan na rin si Ginoong Rene Rosales sa publiko na maging responsible sa pagtatapon ng basura at simulant na ring pagsanayan ang waste segregation na sa mga susunod na panahon ay kanila nang mahigpit n ipatutupad.

Rodel M. Llovit

CN-News

Leave a Reply

Your email address will not be published.