DOLE NAGKALOOB NG 3.28M PARA SA PANGKABUHAYAN SA BAYAN NG VINZONS! 500 BENEFICIARIES, MAKIKINABANG!

DOLE NAGKALOOB NG 3.28M PARA SA PANGKABUHAYAN SA BAYAN NG VINZONS! 500 BENEFICIARIES, MAKIKINABANG!

Aabot sa limang daang mamamayan ng bayan ng Vinzons ang makikinabang sa ipinagkaloob na tulong pinansyal mula sa Department of Labor and Employment na halagang 3,280,000.00 pesos laan para sa pangkabuhayan ng mga ito.

Masayang ibinalita ni Mayor Agnes Ang sa Camarines Norte News ang natanggap na tulong pinansyal mula sa DOLE na personal na iniabot ni DOLE Regional DirectorNathaniel V. Lacambra ang tseke na pakikinabangan ng mga mga mahihirap subalit nagsusumikap na mamamayan.

Sinabi ni Mayor Ang na hindi nila ito ibibigay bilang cash kundi mismong materyales na para sa kanilang pangkabuhayan, partikular ang mga kagamitan sa pangingisda, pang luto para naman sa mga nagluluto ng mga kakanin kung saan kilala ang bayan ng Vinzons.

Tukoy na din ng tanggapan ni Mayor Agnes ang mga magiging benipisyaryo nito, kasabay ang kasunduan na pangangalagaan at papaunlarin ang dagdag kagamitan na ibibigay sa mga ito na aabot sa halagang humigit kumulang 6,700.00 piso ang bawat isa.

Ang mga kagamitan ay sasailalim sa bidding upang mas makatiyak na mas makakamura ang pamahalaan sa pagbili ng mga kagamitan. Ang nasabing programa ay bahagi ng programang Bottoms Up Budgeting (BUB) ng pamahalaan.

(OTHER NEWS:)

FREE LUNCH FOR INDIGENT BUT DESERVING STUDENTS IN VINZONS

Pormal na ring inilunsad nito lamang araw ng Martes, July 29, 2014 ni Mayor Agnes D. An gang kanyang programa para sa libreng pakain sa mga mahihhirap subalit masikap at matalinong estudyante.

Ang nasabing programa ay magbibigay ng libreng pananghalian (Lunch) sa mga mahihirap na estudyante na pipiliin ng mismong pamunuan at mga guro ng Vinzons Pilot High School. Sa mga piling restoran o kainan kakain ang mga estudyante na una na ring nakausap ni Mayor Agnes at nagkaroon na rin ng kasunduan na ang LGU Vinzons ang magbabayad ng pagkain ng mga mapipiling mahihirap na estudyante.

Nag ugat ang nasabing programa matapos na makapag kwento umano ang anak ni Mayor Agnes sa kanyang ina at sinabing naaawa sya sa ilan sa kanyang mga kapwa estudyante na walang makain sa pananghalian dahil na rin sa kahirapan ng buhay. Matapos ang kwento ng anak ay agad na ring binuo ng alkalde ang nasabing programa para sa mga mahihirap na estudyante sa nasabing paaralan.

FINANCIAL ASSISTANCE FOR PWD’s AND SINGLE PARENTS

“Ang munting Tindahan” ito ang itinawag sa isa pang programa ng pamahalaang lokal ng Vinzons may kaugnayan sa pagbibigay ng karagdagang puhunan sa mga Single Parents at Persons With Disability, PWD o (Differently Abled Persons)

Ayun kay Mayor Agnes Diezmo-Ang, 2nd Batch na ito sa ngayon na magbibigay sila ng Cash sa nasabing sector bilang dagdag na puhunan na umaabot sa 5,000.00 hanggang 10,000.00 pesos depende sa magiging pagdalo o attendance ng mga ito sa isasagawang seminar.

Magkakaroon din anya ng eksaminasyon pagkatapos ng seminar upang malaman kung naunawaan ng mga recipients ang mga itinuro sa seminar. Isa rin ito sa pagbabatayan ng halagang kanilang tatanggapin.

Tanging ang mga may dati nang tindahan na mga Single Parent at PWD’s ang maaaring ma qualify dito, upang matiyak na sigurado nang may mapupuntahan ang salapi nja ipagkakaloob sa mga ito.

Magtatalaga din ang alkalde ng team na magmomonitor ng mga negosyo ng mga recipients upang matiyak na maayos ang takbo nito. Maliban sa unang ibibigay na 5k to 10k, maaari pa anya itong madagdagan kung sakaling maganda ang takbo ng negosyo ng mga ito.

FREE MEDECINES FOR SENIOR CITIZENS

Samantala, para naman sa mga Senior Citizens, magbibigay din ng libreng mga medesina si Mayor para sa nasabing sector, partikular ang mga gam,ot para sa High Blood, Pneumonia, Vitamins at ilan pang para sa na mga nakatatanda. Hindi na rin umano sila maghihigpit na hanapan pa ng ID’s ang nasabing mga matatanda basta meron lamang itong dalang reseta. May nakalaan ding gamot ang tanggapan ng alkalde para naman sa mga may karamdaman sa pag-iisip na walang kakayahang bumili ng kanilang mga maintenance na gamot.

BARANGAY HEALTH PROGRAM

Nagpapatuloy naman ang programang pangkalusugan ng pamahalaang local ng Vinzons para sa lang mga Barangay. Sa ngayon ay ang mga Barangay ng Calangcawan Sur, Mangcawayan at Sitio Lubhag ang kanilang tinungo.

Minomonitor ng nasabing hjealth program ni Mayor Agnes ang kalusugan ng mga kabataang nasa 1 to 5 years old. Sa edad na ito anya ang mahalagang sitwasyon ng isang kabataan na kinakailangangmapalakas ang resistensya, mabigyan ng mga bitamina at matiyak na maibigay ang tamang nourishment sa mga ito.

Kasama sa mga isinasagawa sa mga kabataan doon ay ang Deworming, Nutritional Feeding. Bago isagawa ang feeding. Isasagawa muna ang overall check-up sa mga ito kasunod ang ang deworming bago ang nutritional feeding upang matiyak na magiging epektibo ang pagpapabigat ng timbang ng mga ito kung wala nang mga bulate sa tiyan. Namamahagi din sila ng mga Multi-Vitamins para sa mabilis na pag lakas ng mga kabataan.

Bilang dagdag na hamon ni Mayor Agnes sa mga magulang ng mga kabataang isinasailalim sa Nourishment Program, magbibigay ng premyo ang alkalde sa mga magulang ng mga kabataang madadagdagan ang timbang pagkalipas lamang ng isang lingo at hanggang sa mga susunod pa. kung ilang kilo ang maidadagdag sa timbang ng bata ay ganun din ang kilo ng bigay na ipamamahagi sa pamilya nito.

ENVIRONMENTAL PROGRAM (ZERO GARBAGE OLYMPICS)

Bilang paraan ng paghihikayat sa mga mamamayan ng Vinzons partikular ang tatlong Poblacion Brgy at ang Calangcawan Sur at Norte, magsasagawa ng Zero Garbage Olymnpics si Mayor Agnes Ang para sa mga residente dito.

Hindi na binanggit ni Mayor Agnes ang halaga ng premyo para sa mga mananalo subalit tiniyak nito na may kalakihan din ang naturang premyo.

Sa ngayon ay may kinakaharap na problema sa tapunan ng basura ang pamahalaang local ng Vinzons, ito ay dahil sa ayaw na umano ng pamunuan ng Barangay Calangcawan Sur na sa kanila pa itapon ang mga basura mula sa iba’t ibang Brgy sa kanilang bayan.

Ito na rin ang nag bunsod sa alkalde na isagawa ang nasabing patimpalak na naglalayon nang Zero Garbage sa kanilang mga Brgy. Kasama sa mga criteria nito ay paghihiwalay ng mga nabubulok at hindi nabubulok na basura, ang pag rerecycle ng mga basura sa kapaki-pakinabang at pagkakakitaang bagay, samantalang maaari din naming gawing fertilizers ang mga nabubulok na basura upang mapakibangan pa rin.

Sa kabila ng kawalan ng Annual Budget ng bayan ng Vinzons para ngayong tao, sinabi ni Mayor Agnes Diezmo-Ang na nagpupumilit ang kanyang pamunuan na makapag-lingkod pa rin at maipaabot pa mrin sa kanyang mga mamamayan ang serbisyong nararapat sa mga ito.

Labis lamang ang panghihinayang ng alkalde na kung hindi lamang anya naharang sa Sangguniang Bayan ng Vinzons ang kanilang budget ay mas higit pang marami ang maihahatid nilang serbisyo sa kanilang mga mamamayan sa bayan ng Vinzons.

Rodel M. Llovit/Donde Consuelo

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *