PALARONG PANLALAWIGAN SA CAMARINES NORTE, UMARANGKADA; LALAKI HULI SA PAGNANAKAW NG HELMET!
Muling isinagawa ng lalawigan ang palarong panlalawigan sa Eco Athletic Field sa Bayan ng Daet sa Lalawigan ng Camarines Norte. Sa pakikipagtulungan ng pamahalaang panlalawigan at ng Department of Education (DepEd) sa pangunguna ni Schools Division Superintendent Arnulfo M. Balane, pormal na binuksan ang nasabing palaro ng Setyembre 25 at natapos ng Setyembre 27.
Iba’-ibang events at sports discipline ang pinaglabanan katulad ng sepak takraw, larong chess, volleyball, basketball, athletics, gymnastics at iba pa. Sa kabila ng matinding init ng araw ay tuloy pa rin ang mga manlalaro at mga sports officiating officials upang isagawa ang panlalawigang palaro.
Nagsasagawa muna ng stretching ang bawat players at konting warm-up bago sumalang sa paglalabanang sports event. bawat kalahok ay bigay todo sa pagpapakita nila ng kakayahan sa kani-kanilang mga larangan sapagkat ang mga opisyal sa palaro ng lalawigan ay maaga ng pumipili sa mga talentadong CamNorteño na siyang kakatawan at lalahok sa Palarong Bikol ngayong taon at di pa inihahayag kung saan ito gaganapin. Masayang nanood ang mga mamamayan ng lalawigan kahit na nga meron itong entrance fee na limang piso para sa indibidwal at halagang 30 pesos naman para sa lahat ng gurong manonood.
Sa kabila nito, isa namang nakatawag ng pansin ang isang lalaking hinuli ng mga security dahilan sa pagnanakaw ng mga helmet sa mga motorsiklo na nakaparada. Agad namang itinurn-over ito sa mga pulis na nakabantay sa loob at labas ng paligsahan. Pinosasan naman ang nasabing suspek at agad na dinala sa presinto ng Daet.
Orlando Encinares
Camarines Norte News