ESTUDYANTE NG DAET ELEMENTARY, KAMPYON SA MATH CONTEST NA NAGANAP SA CHINA!

ESTUDYANTE NG DAET ELEMENTARY, KAMPYON SA MATH CONTEST NA NAGANAP SA CHINA!

Pinarangalan ng Sangguniang Bayan ng Daet si Erwin John Silab, isang mag aaral sa Daet Elementary dahil sa ipinakitang angking galing matapos magwagi sa ginanap na 2014 Dong Cheng Cup International Mental Arithmetic Tournament na naganap sa Hangzhou China, noong nakaraang June 8, 2014. Si Silab ang nag iisang representative ng Pilipinas at sya rin ang nagwagi ng First Place sa Category 1 ng nasabing patimpalak. Mayroong 365 na ibang kalahok na nagmula pa sa ibang bansa at ilan dito ay India, Malaysia, China Mexico at Bangladesh.

Ayon kay Remida “Dang” Benedicto, trainer sa ALOHA Mental Arithmetic. Si Silab ay nagsimula sa Aloha noong Nakaraang Abril lamang at hindi nya inaasahan na magwawagi ang kayang estudyante ngunit malakas talaga ang kagustuhan ng bata na maging kampyon. Ang Category 1 kinabibilangan ng batang kampyon na si Silab ay may 70 na bilang na katanungan at may limang minuto lamang para matapos ito. Ayon pa kay Silab hindi nya natapos lahat at hanggang 57 lamang na katanungan ang kanyang nasagutan. Laking bilib namam ni Benedicto sa batang kampyon dahil tama lahat ang kanyang nasagutang katanungan.

Napabilib naman ang mga myembro ng SB Daet ng magpasiklab ang batang si Erwin John Silab matapos nitong tanungin ng dalawang mathematical questions sa manual na pamamaraan o tinatawag na mental arithmetic at isang katanungan na pinayagan siyang gumamit ng abacus at tama naman lahat na kasagutan ni Silab…

Gian Grijalvo

CNNews 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *