KONSEHAL ROSA MIA L. KING, TINALAKAY ANG ISYU NG JOINT ADMINISTRATIVE ORDER SA KANYANG PRIVILEDGE SPEECH

KONSEHAL ROSA MIA L. KING, TINALAKAY ANG ISYU NG JOINT ADMINISTRATIVE ORDER SA KANYANG PRIVILEDGE SPEECH

Hindi makatarungan ang nilalaman ng Joint Administrative Order  o  JAO, na umiiral ngayon sa bansa. Ito ang naging tema ng isinagawang Privilege Speech ni Konsehal Rosa Mia King, SB Daet Comm. Chairman on Public Utility sa kanilang regular na sesyon nitong nakatalikod na Lunes.

Anya, para sa mga maliliit na ticycle drivers and operators at sa mga mahihirap na motorista ay mas lalo lamang malalagay sa kagipitan kung sakaling mahuli sa mga paglabag dahilan sa sobrang laki ng halaga ng multa hanggang sa suspensyon ng kanilang mga lisensya sa ilang paglabag.

Nais ni Konsehal King na makarating sa kinauukulan ang hinaing at pangamba ng transport sector dito sa bayan ng Daet. Suportado din King ang mga pagkilos ng iba pang grupo na tumutuligsa at bumabatikos sa nasabing bagong kaatasan.

Narito ang nilalaman ng Privilege Speech ni Konsehal Rosa Mia King:

Joint Administartive Order (JAO) No. 01-2014

Coun. Rosa Mia L. King’s Privilege Speech

Mamang Tsuper, Kuya..kumusta ang pasada nyo?”  “Kumusta naman ang kita nyo?” (bago sumagot makikita na ito ay kumakamot sa ulo).  “Mahirap po talaga kumita ng maganda….Halos sapat at minsan ay kulang pa sa araw-araw ang kinikita, nadagdagan pa ang mga kalaban….tsk..tsk..bukod sa init at ulan, trapiko na buhol-buhol, mataas na gasolina mayroon pang bago na ipinapatupad, ito ang JAO 01-2014.”  “Sobrang mahirap po at ang pakiramdam po naming hindi lang ito pahirap kundi ito ay unti-unting pagpatay sa amin.”

Ano po ba itong Join Administartive Order No 01-2014?

“Joint Administartive Order No. 2014-01 SUBJECT: Revised schedule of Fines and Penalties for Violations of Laws, Rules and Regulations Governing Land Transportation.”  It was issued last June 2, 2014 and became effective on June 19, 2014, 15 days following its publication in two (2) newspapers of general circulation.  According to transport group, JAO 2014-01 excessively increased the penalties for traffic violations by twice, thrice or even five times than its past level.

Alin nga po ba ang sinasabi na sobrangnagpapahirap dito?  Pag-usapan natin ang ilan:

  1. Driving without a valid Driver’s License – P3,000.00 from P1,500.00.  plus the offender will be disqualified from being granted a driver’s license or from driving a motor vehicle for one year from the payment of the fine;
  2. Failure to carry a driver’s license or the vehicle’s certificate of registration or official receipt while driving a motor vehicle P1,000.00 from P200.00 for the license and from P150.00 for the OR or CR;
  3. Driving an unregistered motor vehicle – P10,000.00 from P4,000.00.  Plus, if the non-registration has exceeded one month, the vehicle shall be impounded and released only if it has been registered and its corresponding fines and penalties have been paid.  If the vehicle has an undocumented engine (a separate P5,000.00 previously) the vehicle will be impounded and banned for operating for one year upon the payment of the fines while the engine will be confiscated by the government;
  4. Operating a motor vehicle without or with defective/improper/unauthorized accessories, devices, equipment and parts – P5,000.00 from P150.00 plus the vehicle will be impounded until the accessory, device, equipment or part is properly installed, corrected or removed depending on the offenses and fine has been paid.  Any improper or unauthorized device will also be confiscated in favor of the government;
  5. All other violations of traffic rules and regulations, from parking violation to illegal turns P1,000.00.

Ang JAO 2014-01 ba ang makasasagot sa problema natin sa pagdidisiplina sa mga driver at operator na lumalabag sa mga batas trapiko, batas administratibo at mga batas hinggil sa pagmantine ng sasakyan at tutugon upang mawala ng tuluyan ang mga kolorum, pag-pigil sa operasyon ng mga out-of-line at iba pang iligal na sasakyang pampubliko sa kalsada.

Ayon sa opinion ng transport ang sistema ng pagpapatupad ng batas ang dapat na ayusin, paigtingin ang maayos at walang korapsyon na pagpapatupad.  Hindi sagot ang nakamamatay na penalidad at multa na ipapataw ang makatutugon sa problema sa trapiko at operasyon ng transportasyon.

Ito ay hayagan na pagpapahirap sa mamayang Pilipino.

HALIMBAWA:Ang isang driver sa isang pagmamaneho nang mula sa 10 hanggang 12 oras ay pangkaraniwan ng kikita ng P400.00 to P500.00 sa isang araw.  Babawasan ng P120.00 sa boundary at P150.00 sa gasolina P130.00 to 230.00 ang tira sa kita, ito ang i-uuwi sa kanyang pamilya….pagkakasyahin sa gastusin ng pamilya.  Pagkakasyahin sa mga sumusunod:

>  Pagkain

>  Upa sa bahay (kung walang sariling bahay)

>  Ilaw –tubig

>  Gastusin sa pag-aaral

>  Atbp.

P130.00 x 22 = P2,860.00

Sa isang buwan na kita….Ito po ba ay SAPAT?

P230.00 x 22 = P5,060.00

Nahuli si Kuya, dahil ang kaawa-awang driver ay nagmamaneho na expired ang kanyang lisensya sa dahilan na inuna nya ang pangangailangan ng kanyang pamilya.  P3,000.00 multa at isang taon na pag disqualify na mabigyan nang pagkakataon na makapagmaneho ng motor vehicle sa loob ng isang taon. 

Ang ibig pong sabihin – sa loob ng isang taon ang kaawa-awang driver ay madedeprive ng paghahanap buhay para sa kanyang pamilya.  Ano ba ang epekto nito?

Hindi kaya lalong:

  1. Dumami ang driver driving without valid driver’s license
  2. Tumaas ang pamilyang naghihirap
  3.  Hindi na solusyonan ang problema

Ito po ba ang tamang solusyon?

Nararapat lamang na baguhin at pag-aralang muli ang JAO 2014-01.

As a general rule: the imposition of penalty and the fixing of fines, being a law-making function are commonly the function of the legislature.  The function of the executive is to execute the laws and for the judiciary to interpret them.

Maaari po nating hilingin sa ating mga kinatawan  sa kongreso, Congressman Elmer “Eming” Panotes at Congresswoman Cathy Barcelona Reyes – na tulungan ang transport group na buksan ang usaping ito sa kongreso.  Ito ba ay makatao, hindi lumalabag sa batas at ito po ba ay naipaalam sa ating transport group at higit sa lahat ay napag-aralan?

HALIMBAWA:  Ang multa sa isang unregistered motor vehicle ay umaabot sa P10,000.00 mula sa P4,000.00 at kailangan impound ito kapag hindi na-iparehistro at lumampas sa isang buwan.  Ito ba ang solusyon?  Paano ang isyu ng problema sa Emission.  Ang ibig sabihin nito, dito sa ating bayan at lalawigan ng Camarines Norte halos 20% to 30% ay titigil sa pagpasada dahil sa ito ay hindi mai-rehistro dahilan sa kakulangan ng requirements sa pagrehistro, ito ang emission.  Pag-aralan at ikonsidera po natin ang sitwasyon na ito ng transportation sector.

OPO!  Ang batas ay dapat sundin ng mamamayan – ipatupad ng maayos at makatarungan, SUBALIT, hindi batas na syang kikitil sa mga taong ating pinagsisilbihan… ang taong bayan!

Maraming Salamat Po!

Konsehal Rosa Mia Lamadrid King,

Chairman Committee on Public Utility and social Services

(end of PS)

Nagbabalita,

Gian Jay Grijalvo

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *