VM AHLONG ONG, HINDI NA MAGBABAGO ANG DESISYON HINGGIL SA KANYANG PINILING MAGIGING SB SECRETARY! NANGUNA SA RATING AT HINDI NAPILI NA SI RONEL YU, UMAPELA SA CSC!

VM AHLONG ONG, HINDI NA MAGBABAGO ANG DESISYON HINGGIL SA KANYANG PINILING MAGIGING SB SECRETARY! NANGUNA SA RATING AT HINDI NAPILI NA SI RONEL YU, UMAPELA SA CSC!


Wala nang magiging pagpapabago pa ng desisyon ni Vice Mayor Noel “Ahlong” Ong sa kanyang pagpili ng kanyang magiging SB Secretary.

Ito ay sa harap ng pag kwestyon ni G. Ronel C. Yu, isa apat na aplikante sa nabakanteng posisyon ni Dating SB Secretary Celing Caranceja hinggil sa endorsement ni Vice Mayor Ong Kay Bb. Ma. BuenaFfe Zabala na pumalawa lamang sa rating ng Personnel Selection Board, PSB.

Sa mga aplikante, si Ronel Yu ang nanguna sa rating ng PSB na nakakuha ng 96.00, si Yu ay mula naman sa Municipal Cooperative Office at naninilbihan na sa pamahalaang lokal ng 17 taon, pumangalawa si Ma. Buena Fe Zabala na nakakuha ng 88.67 mula na mismo sa Sangguniang Bayan Office at kasalukuyang tumatayong pansamantalang SB Secretary na limang taon pa lamang sa LGU Daet. Pumangatlo si Rene N. Abrera mula naman sa Camarines Norte State College na nakakuha ng 86.33 na 16 na taon naman sa nasabing paaralan bilang isang propesor, at pang apat si Bb. Violeta Albao, Administrative Officer V ng LGU Daet na may score na 82.33 na labing dalawang taon na rin sa serbisyo sa LGU Daet.

Argumento ni Ginoong Yu, may mali sa naging desisyon ni Vice Mayor Ong sa pag pili nito kay Zabala na pumangalawa lamang sa kanya sa rating. Sa kanyang Letter of Querry/Appeal sa tanggapan ni Cecilia R. Nieto, Director IV ng Civil Service Commission Region V, na may petsang August 4, 2014 tinukoy ni Yu ang isinasaad sa ilalim ng Section 469 (b) ng Local Gov’t Code na nagsasabing;

     (b) No person shall be appointed secretary to the sanggunian unless he is a citizen of the Philippines, a resident of the local government unit concerned, of good moral character, a holder of a college degree, preferably in law, commerce or public administration from a recognized college or university, and a first grade civil service eligible or its equivalent.

QUALIFICATIONS

Si Yu ay nagtapos ng kursong abogasya, BS Commerce (Accounting) at Bachelor of Public Administration, samantalang si Zabala naman ay nakapagtapos ng BS Industrial Technology with 30 units BS Secondary Education at 12 Units MA Public Administration. Pawang mga civil service eligible ang dalawa.

Ang kanyang educational qualifications ang naging dahilan ni Yu sa kanyang apela, dagdag pa ang kanyang pagiging legislative staff officer ng Sangguniang Bayan sa loob ng 7 taon. Sya lamang umano sa apat na aplikante ang nakasagot sa lahat ng tinutukoy sa qualifications para sa nasabing posisyon.

Labis ang pagkadismaya ni Ronel Yu sa naging desisyon ni Vice Mayor Ahlong Ong sa pagpili nito at pag indurso kay Ma. Buenafe Zabala.

Subalit sa kabila nito, naniniwala pa rin si Ginoong Ronel Yu sa discretionary power ng isang appointing officer. At sa sitwasyong ito, si Vice Mayor Ahlong Ong ang tumatayong appointing officer para sa naturang posisyon. Ngunit, ayun kay Yu, ang nasabing “discretionary power” ay may limitasyon at dapat na isinasagawa sa tamang layunin at paniniwala (in good faith).

Hinimay-himay pa nito ang kahulugan ng salitang “Preferably” na binabanggit sa mga qualifications… “the secretary to the Sanggunian must be a holder of Bachelor’s Degree PREFERABLY has Law, Commerce or Public Administration”.

“Preferred is defined as having a greater value and desirably which means that the applicant who possessed the same has a greater advantage compared to those who has not. Is the word PREFERABLY has a bearing in the selection process, and ultimately in the appointment? Or it is just a modifier without any meaning at all?” pahayag ni Yu sa kanyang apela.

Kinuwestyon din nito ang kwalipikasyon ng inindurso ni Vice Mayor Ong na si Ma. Buena Fe Zabala na ayun sa record ay nakapag tapos ng Industrial Technology na hindi naman anya kasama sa mga qualipikasyong nabanggit, at wala ring kinalaman sa posisyong inaaplayan.  Pahabol nitong tanong, “kung inabot ba nito ang kahit man lamang minimum requirements?”

Mariin ang mga pahayag ni Yu na sa kanyang sariling paniniwala, may mahalagang ginagampanan ang salitang “PREFERABLY” na inilagay ng mga gumawa ng batas na ito, na kinakailangang magkaroon ng puwang sa pagpipili.

TRUST AND CONFIDENCE

Alam din umano Yu ang Trust and Confidence ay ikinukunsidera ng isang appointing authority sa kanyang pipiliin. Subalit sa kanyan umanong pagkakaalam sa kanyang sarili ay wala naman siyang nagawang mali laban kay Vice Mayor Ong o sa sinuman sa mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Daet at maging ng mga kawani nito.

Anya, sa loob ng labing pitong taon na kanyang paninilbihan sa Pamahalaang Lokal ng Daet ay wala naman ni isang kasong naisampa laban sa kanya. Naniniwala din ito na marapat lamang din na ikunsidera ang opinyon ng iba pang miyembro ng SB Daet dahilan sa hindi naman anya exclusive sa Vice Mayor lamang ang Sangguniang Bayan.

Ibinunyag din ni Yu na sya umano ang Choice ng karamihan sa mga miyembro ng Sangguniang bayan ng Daet subalit ikinalungkot nya na hindi umano ito kinunsidera ng Bise Alkalde dahilan sa hindi naman ito nagpatawag ng pulong upang maikunsidera ang kagustuhan ng kanyang mga kasamahan sa konseho.

Ang Sec. 469 of R.A. 7160 anya ay isang directory in nature na bagamat hindi tuwiran, ay magsisilbi itong manual o batayan para sa Personnel Selection Board PBS, at ng appointing officer sa pagpili sa mga kandidato para sa nasabing posisyon. Dahil kung hindi, anya, ang nasabing function ay magsisilbi na lamang kapritso ng appointing officer.

Kasabay ng paglatag ni Ginoong Ronel Yu ng kanyang mga argumento, hiniling nito sa CSC region maikunsidera at magkaroon ng re-evaluation sa endorsement ni Vice Mayor Ahlong Ong. Kasusunod din ang pagpapaimbestiga kung nagkaroon ng pang aabuso sa kapangyarihan sa pag i-indurso. At kahilingan din na atasan ng CSC ang bise alkalde na i-convene ang konseho at ang mga kawani ng Sangguniang Bayan ng Daet na syang apektado ng naturang appointment at upang mapakinggan ang opinyon ng mga ito at ang kanilang sentiment.

FIRM DECISION! 

Kumpiyansa naman si Vice Mayor Ahlong Ong ng bayan ng Daet na wala syang nagawang mali sa pagpili kay Ma. Buena Fe Zabala bilang kanilang magiging SB Secretary.

Malakas ang paniniwala ng bise alkalde na mahalaga ang Trust and Confidence sa pagpipili ng kanilang makakasama sa mahabang panahon. Sinabi  ni Ong na nakay Bb. Zabala ang katagang ito na kinakailangan anyang irespeto ng lahat partikular ng kapwa aplikante.

Amninado si Ong na wala naman silang naging alitan at hindi naman nagpakita sa kanya ng masama si Ginoong Ronel Yu subalit muli nyang inulit na mas komportable sya sa trabaho ni Zabala.

Pinabulaanan din ni Ong na si Ginoong Ronel Yu ang pinili ng karamihan sa kanyang mga kasamaan sa Sangguniang Bayan ng Daet. Bagamat hindi lahat natanong, halos kalahati umano ang lamang ni Bb. Zabala kung boto ang pag uusapan sa mga kasamahan nya sa Sangguniang Bayan.

Isa sa pinaka pangunahing dahilan ng bise alkalde ay mas minarapat nya umanong kumuha ng kapalit ni Dating SB Secretary Celing Caranceja na nanggaling na rin mismo sa loob ng kanilang tanggapan. Posible anyang bumaba ang moral ng kanilang mga kawani sa loob ng sangguniang bayan kung mula pa sa labas ng kanilang opisina ang kanyang kukunin kapalit ni Caranceja.

Maging si Ginoong Caranceja ay rekomendado din anya si Buena Fe Zabala dahilan sa kasa-kasama na nila ito sa mga trainings and seminars ng mga secretaries patungkol sa mga makabagong Sistema sa SB secretariat na ipinatutupad na sa ngayon. Bukod pa sa sitwasyon na si Bb. Zabala ang next in rank o kasunod sa pwesto ng nagretirong SB secretary kung kaya’t ito na rin ang kanyang ipinalit.

Base sa qualifications, sinabi ni Vice Mayor Ong na pasado lahat ang apat na aplikante. Nagkataon lamang na nanguna si Ginoong Yu sa marka na ibinigay ng mga miyembro ng Personnel Selection Board subalit hindi nangangahulugan na sya na ang nararapat para sa nasabing posisyon. Apat anya angibinigay na pangalan na pagpipilian at hindi naman anya nakasaad doon na ang nanguna ang dapat nyang piliin.

COMPARISON

Bagamat pumangalawa lamang si Bb. Buena Fe Zabala at may rating na 88.67, ikinunsidera itong mataas na marka ng bise alkalde dahilan sa limang taon pa lamang sa serbisyo si Zabala ay naungusan pa ang dalawa pang aplkante at pumangalawa kay Ronel Yu na labing pitong taon na sa serbisyo.

Anya, malaki ang potensyal ni Zabala dahilan sa maikling panahon pa lamang nito sa trabaho sa LGU Daet ay nakakuha na ito kaagad ng ganung kataas ng rating, “how much more kung 17 years na din sya sa serbisyo, I’m sure mas mataas pa ang magiging marka nya kumpara kay Ronel Yu…” pahayag ng bise alkalde.

Sa resolusyong isinumite ng PSB kay Vice Mayor Ong, nakasaad umano sa ibaba nito ang mga katagang; “ After due deliberation, the board resolved as it is hereby resolved to submit this list to the appointing authority for consideration to the above mentioned position.” Klaro ang paniniwala ni Ong na ang mga isinumiteng apat na pangalan sa kanya bilang appointing authority ang kanyang pagpipilian, at hindi umano dito sinasabi na si Yu, bilang number 1 sa rating ang dapat na piliin.

Mariin na ang paninindigan ni Vice Mayor Ahlong Ong na si Ma. Buena Fe Zabala ang kanyang napiling SB Secretary sa paniniwalang mas magiging epektibo ito sa kanyang trabaho at bilang kanilang makakasama sa SB sa mahaba-habang panahon.

FUNCTION OF PSB

“Under E.O. No. 292 the Personnel Selection Board shall determine en Banc the list of employees recommended for promotion from which the appointing authority may choose the employee to be promoted. In preparing the list, the board shall see to it that the qualifications of employees recommended for promotion are comparatively at par and that they are the best qualified from among the candidates.

Likewise, under the Revised Policies on Merit Promotion Plan, the functions of Personnel Selection Board are:

  1. Make a systematic assessment of the competence and qualifications of candidates for the appointment to the corresponding level of positions. Evaluate and deliberate en banc the qualifications of those listed in the selection line-up.
  2. Submit the list of candidates recommended for appointment from which the appointing authority shall choose the applicant to be appointed.
  3. Specify the top 5 ranking candidates whose over-all point scores are comparatively at par based on the comparative assessment.

Rodel Macaro Llovit

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *