DA SEC. ALCALA, MULING BUMISITA SA CAM NORTE! AGRIKULTURA SA LALAWIGAN, PURSIGIDONG PALAKASIN! KARAGDAGANG PONDO PARA SA MGA FMR, IBINIGAY NA!

DA SEC. ALCALA, MULING BUMISITA SA CAM NORTE! AGRIKULTURA SA LALAWIGAN, PURSIGIDONG PALAKASIN! KARAGDAGANG PONDO PARA SA MGA FMR, IBINIGAY NA!

608-1

DA Sec. Proceso J. Alcala

Muling binalikan ni D.A. Secretary Preceso J. Alcala ang lalawigan ng Camarines Norte upang tiyakin na nagiging epektibo para sa magsasaka ng lalawigan ang kanilang ipinagkaloob ng mga proyekto, katuwang si Governor Edgardo Tallado.

Biyernes, Oktubre 3, 2014 maagap na dumating ang umaabot sa humigit kumulang limang daang magsasaka mula sa iba’t ibang bayan ng Camarines Norte sa Agri-Pinoy Trading Center CN APTC sa Sito Mat-e, Brgy Sto. Domingo Vinzons upang salubungin at makipag-ugnayan kay Sec. Alcala.

Bahagyang naantala ang pagdating ni Alcala dahilan na rin sa dumaan pa ito sa lunsod ng Legaspi, dumiretso sa Pili Cam sur, bago dumiretso sa lalawigan ng Camarines Norte. Bago pa man dumating ang nasabing mga opisyal ay nakapagkaloob na pamahalaang panlalawigan ng mga farming tools sa ilang mga nagbigay aliw sa mga kapwa magsasaka.

Subalit naging sulit naman ang paghihintay ng mga magsasaka matapos na magkaloob pa ng karagdagang mga kagamitang pansakahan sina Sec. Alcala at Dir. Bragaz. Mula sa inihandang sampung (10) sprayers, ginawa na itong dalawampu (20); mula naman sa dating tatlong (3) kalabaw, ginawa nan a ring anim (6) ang sana’y dalang (2) Hand Tractor with tiller (araro), ginawa na ring tatlo (3) at isa pang Power Tiller para sa mabilisang pagbubungkal ng lupa. Isinagawa ang mapapahagi sa pamamagitan ng raffle sa mga nagsipagdalo.

Samantala, sa mensahe ni Secretary Alcala, binigayan nito ng papugay si Governor Tallado sa nakikita nyang pagpupursige ng gobernador na mapalakas ang agrikultura sa Camarines Norte na magbibigay ginhawa sa maraming mga mamamayang umaasa sa pagsasakahan.

Ayun sa kalihim, pinag-usapan na nila ni Gov. Egay Tallado ang hinggil sa mga maaaring gawin para matugunan ang lahat ng usapin hinggil sa pagpapalakas pa ng kalakalan hindi lamang sa loob ng Camarines Norte kundi maging hanggang sa labas ng lalawigan.

Sinabi ni Alcala na maaaring i-apply dito sa CN APTC ang sistemang kanya na ring isinagawa sa lalawigan ng Quezon kung kayat naging matagumpay ito hanggang sa ngayon.

Maaari anyang dalhin sa Sariaya Quezon ang mga sobrang produkto mula sa Camarines Norte  upang pagbalik ng sasakyan ay may dala na rin itong mga produkto mula naman sa nasabing lalawigan na wala pa dito sa CN APTC katulad ng sibuyas at bawang, at iba pang mga gulay na galing pa sa Benguet na ibinabagsak sa kanilang trading center sa Quezon.

Isa anya sa mga dahilan kung bakit hindi gaanong napupuntahan ang CN APTC dahilan sa kakulangan pa ng uri ng bilihin dito. Sinabi ng kalihim na pinagsusumikapan nila ni Gov. Tallado na makumpleto ang mga produkto dito at magkaroon ng palitan ng kalakal mula sa kanilang trading center sa lalawigan ng Quezon. Sa pamamagitan anya nito ay magiging kumpleto na ang mga produkto sa APTC sa bayan ng Vinzons bukod pa sa magiging mababa ang cost of transportation kung may laman palabas at papasok ang delivery trucks.

Matapos ang pananalita ni Sec. Alcala, isa-isang na nitong pinakinggan ang mga saloobin, opinion at mga kahilingan ng mga magsasaka. Isa-isa ring sinagot at binigyan ng katiyakan na tutugunan ang nasabing mga suliranin. Mismong si Secretary Alcala ang personal na bibisita sa mga sakahan ng mga nagpaabot ng kanilang kalagayan sa kanilang sakahan sa itatakdang araw.

Ilan din sa mga ipinaabot na hinaing ng mga magsasaka ay mismong si Gov. Egay Tallado na ang sumagot, partikular ang may mga kaugnayan sa Farm to Market Roads (FMR) sa kanilang brgy, na ayun sa gobernador ay kasama na sa mga programang nahanapan na nya ng pondo mula pa rin sa D.A. Sa mga susunod na buwan ay maaari na anyang pasimulan na rin ang mga ito.

608-3
608-4

Samantala, bago matapos ang programa, ipinagkaloob na rin ng Sec. Alcala kasama si DA Regional Director Engr. Abelardo R. Bragas ang tseke para sa tranches  para sa unanang pondong ipinagkaloob ng D.A para sa PAMANA (Pamayanang Mapayapa at Masagana) projcets para sa taong 2014. Tinanggap ito nina Governor Edgardo Tallado sa pamamagitan ni Provincial Treasurer Lorna Coreses.

a.)    2nd Tranche – 22,552,000 pesos

b.)    2nd Tranche Organic trading post 600k pesos

c.)     2nd Tranche fund transfer farm to market roads, concreting of tabugon FMR Casalugan, Bayan bayan,  2.352M

d.)    Don Tomas FMR, Sta.Elena – 1.960M

e.)    Salvacion FMR, SLR (pamana 2014) – 7.350M

f.)     1st tranche Bulala, Sta. elena – Villa Aurora, Capalonga FMR at Sta. Elena & Capalonga, CN – 10.390M

g.)    Certificate of Award to PGCN – 1 unit tractor (85%-15% counterparting scheme : 2.4M DA / 360K PGCN)

Binigay na rin nina Alcala at Bragas ang mga Agri inputs para sa mga magsasaka ng lalawigan na tinaggap din ni Gobernador Egay Tallado at ni Mrs. Helen Abordo ng Office of the provincial agriculturist. Ipamamahagi din ito sa mga kinatawan ng bawat munisipalidad sa lalawigan.

Layunin ng Farmer Field School ay para mai-showcase ang actual field condition at ipakita ang mga improved vegetable production technology at ito rin ay isa sa mga pinaka epktibong extension strategy para mahimok partisipasyon ang mga magsasaka at iba pang implementers sa participatory methodology.

Kahit gabi at madilim na, matapos ang pagkakaloob ng mga pondo, agricultural inputs at ilan pang mga papremyo, dumiretso pa sina Sina Sec. Alcala, Dir. Bragas at Gov. Tallado Sec. Alcala at Gob. Tallado at iba pa ang isang pribadong sakahan, isa na rito ang Benavidez Farm sa Brgy. Sto. Domingo, Vinzons upang makita ang interbensyon at suportang isinagawa doon ng pamahalaan panlalawigan. Makikita doon ang isang Green House na itinayo sa pamamagitan ng PLGU at Dept. of Agriculture.

Tumuloy pa rin ang grupo sa isang sakahan sa San Jose, Talisay na pinakamalaking supplier ng mga produktong agrikultural sa APTC. Nakipagdayalogo pa rin ang grupo nina Bragas at Tallado sa mga magsasaka doon.

608-7
608-5

Maliban sa mga binisitang sakahan, babalik pang muli si Alcala sa Camarines Norte upang personal ding tingnan ang kalagayan ng mga sakahan sa Camarines Norte na maaaring masuportahan upang makinabang hindi lamang ang mga magsasaka kundi maging ang kabuuan ng merkado sa lalawigan.

Puspusan ang pagsusumikap ng magkaibigang Alcala at Tallado sa pagpapalakas ng agrikultura sa Camarines Norte dahilan sa malaking bahagdan ng mga mamamayan dito ay umaasa sa sakahan. Sa katunayan, kamakailan lamang personal ding binisita ni Engr. Leandro H. Gazmin, Director-Agribusiness and Marketing Assistance Service (AMAS) ang ilang mga lugar sa lalawigan na maaaring pagyamanin para sa highland vegetable production at maikalakal ang mga ito sa APTC, isa na rito ang sa may bahagi ng kabundukan ng San Lorenzo Ruiz.

Ang Agri-Pinoy Trading Center sa Camarines Norte ang kauna-unahan sa administrasyon ni Pangulong Benigno Aquino III na naitayo sa buong bansa.

Rodel M. Llovit/Ricky Pera

Camarines Norte News

608-8
608-6
608-9
608-2
608-1
608-4

 Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *