Full force ang pamunuan ng Camarines Norte Water District (CNWD) na tumungo sa Sangguniang Panlalawigan matapos na imbitahan ng naturang hunta hinggil sa usapin ng rate increase nito na magsisimula ngayon buwan ng Agusto. Ito ay bilang tugon na rin sa kahilingan ni Bokal Pol Gache, SP chairman ng committee on public utility.
Kasama ang kanyang mga Department Heads iprinisinta ni CNWD General Manager Maria Antonia ang kanilang paliwanag hinggil sa nasabing pagtataas ng taripa.
Sinabi ni Boma na matagal na rin silang nakapagsagawsa ng public hearing at aprubado na rin ito ng Local Water Utilities Administration (LWUA) bukod pa sa ang nasabing pag taas ng singil ay ngayon lamang mangyayari sa loob ng labing lmang taon.
Inaprubahan umano ang bagong minimum charge na P202.00 para sa unang sampung metro kubikong tubig para sa residential/government connections at P404.00 para sa commercial at industrial connections sa mga public hearings na isinagawa sa mga bayan ng Daet, Mercedes, Talisay, San Vicente, Labo.
Ang pagtaas ng taripa ay dahil sa mga sumusunod na kapaliwanagan.
1. Magsisimula ang bayarin Ngayong Agosto 2014 na nagkakahalaga ng 207 milyong piso na nagmula sa LWUA at DBP na pinasiyaan noong Nobyembre 7, 2012. Ang nasabing salapi ay ginugol sa konstruksyon, maintainance at operasyon ng water filtration facility sa Brgy. Dagodotan , Sanlorenzo Ruiz at iba pang civil works.
Upang mapigilan ang namumuong water crisis dahil sa pagbaba ng produksyon ng tubig sa mga dating pinagkukunan nito. Ang ilan dito ay (Boro-Boro, Banban, Alinao, M.Pimentel at Magana Springs)
2. Sinimulan na rin ngayong 2014ay sinisimulan ang P36M para sa malawakang pagkukumpuni at pagpapalit ng mga luma at tumatagas na service at distribution lines sa 7 service municipalities.
90% ng proyeto ay manggagaling sa pautang ng DBP na nagkakahalaga ng 32.5 milyong piso at ang natitirang higit sa 3milyomg piso naman ay kailangang magmumula sa CNWD.
Isa pang dahilan ay ang pagmahal ng presyo ng mga materyales at serbisyo noong nakalipas na 15 taon kaya tumaas din ang gastusin sa operasyon at maintainance ng water district.
3. Sa simula pa lamang hanggang ngayon , walang anu mang tulong pinansyal ang tinanggap ng CNWD buhat sa local at nasyonal na pamahalaan.
Pahayag din ni Ginang Boma na makakaasa ang taong bayan ng service extension na magaganap at ngunit hindi ito agaran dahil sa kasalukuyan ay inaayos pa nila ang supply ng tubig bago sila mag extend ng serbisyo sa tubig
Kinumusta naman ni bokal Mike Canlas ang kalidad ng tubig na inihahatid sa mga consumers. Sinagot ito ng buong pagmamalaki ni GM Naneth Boma na ang tubig ng CNWD ay accredited ng Department of Health at CNWD diumano ang pinaka unang sumailalim sa organo pesticide sa buong Pilipinas para mapangalagaan ang kalidad sa kalinisan ng tubig.
Isa pa dito ay naitanong ni bokal Erwin Lausin kung ano ang masasabi ng ahensya ukol sa pagbaba ng prudoksyon ng tubig na nagmumula sa Boro boro, na sinagot ng General Manager Boma na may mga plano na sila upang masulusyonan ito at nakipag ugnayan n rin sila sa mga mamamayan ng Labo.
Gusto rin naming malaman ni bokal Tess Malubay ang mga plano ng CNWD para masulusyunan ang pagbaba ng prudoksyon ng tubig sa Labo . Ayon kay Ginang Boma ang isa sa solusyon dito ay sa tulong ng licensed Forester na nangangalaga sa watershed section sa Labo at ang reforestation na kanilang isinasagawa sa mga watershed areas.
Kinuwestyon din ni Bokal Senen Jerez kung paano tinutugunan ng tanggapan ng CNWD ang pagtaas ng demand sa tubig dahil sa dumadagdag na residential at commercial establishment na nangangailangan din ng malaking volume sa supply ng tubig. Ibinida naman ni Manager Boma ang kanilang Corporate Planning Section na may 10 years projection para mabantayan ang pagtaas ng demand sa tubig, ngunit may kakulangan lamang sa fund para mas mapaghandaan ang pag hahatid ng tubig sa mga susunod na taon.
Isa pang katanungan ni Bokal Jerez ay kung paano mapipigilan ang pagkaubos ng tubig dahil sa pagmimina at sabi ni Manager Boma ay humihingi sila ng elevation of area sa mga kompanya ng pagmimina para mabantayan at mapangalagaanang tubig sa watershed station.
Ilan pang mga katanungan mula sa mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ang maaliwalas na nasabing ni GM Boma. Nagpasalamat din ito sa suportang ipinaabot ng mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan sa mga programa ng CNWD.
Labis din naman ang pasasalamat ng mga miyembro ng SP sa pagdalo ng grupo ng CNWD upang mabigyan linaw ang ilang mga katanungan hinggil sa usapin ng tubig inumin at hinggil na rin sa watershed area na patuloy din na binabantayan ng Sangguniang Panlalawigan.
Gian Grijalvo
Camarines Norte News