Binigyan ng pagkilala si Vice Governor Jonah Pimentel ng Sangguniang Panlalawigan kaugnay ng dalawampung taong taong (20 years) paninilbihan nito bilang lingkod bayan. Ang 20 years in Service and Loyalty award ay iginawad kay Pimentel dahil sa kanyang paninilbihan sa lalawawigan ng Camarines Norte na nagsimula sa mababang posisyon hanggang sa pagiging bise gobernador. Pinangunahan ni Board Member Pamela Pardo ang naturang pag gawad ng parangal bilang temporary presiding officer.
Ang paninilbihan ni Vice Governor Jonah Pimentel ay nagsimula bilang Punong Brgy ng Poblacion sa bayan ng Vinzons. Naging pangulo ng liga ng Barangay mula sa municipal level hanggang sa provincial level. Nakapagpatuloy sa paglilingod bilang halal na opisyal matapos na manalo din bilang regular member ng Sangguniang Panlalawigan sa ikalawang distrito. Sa kasalukuyan ay nasa ikalawang termino na nya bilang bise gobernador ng Camarines Norte.
Minsan na ring naging pahayag ni Vice Governor Jonah Pimentel sa kanyang mga panayam sa media na nagsimula sya sa mababang posisyon bilang punong Brgy at dahan dahan lang ang kanyang pag angat ng pwesto ng hindi nagmamadali.
Samantala, ginawaran naman ng Perfect Attendance Award sina Bokal Teresita Malubay, Bokal Arthur Michael Canlas, Bokal Romeo Marmol at Bokal Senen Jerez. Ang naturang parangal ay base sa record ng SP secretariat sa kanilang pagdalo ng sesyon mula noong January 1, 2014 hanggang noong nakaraang June 30, 2014.
Ang nasabing pagkilala sa mga hindi lumiliban sa miyembro ng SP ay ginagawa sa kada anim na buwan ng taon.
Gian Grijalvo
Camarines Norte News