6 CNPGCEAP SCHOLARS NA NAKAPASA SA ELECTRICAL ENGINEER/MASTER ELECTRICIAN LICENSURE EXAMINATIONS 2014, PINARANGALAN!

6 CNPGCEAP SCHOLARS NA NAKAPASA SA ELECTRICAL ENGINEER/MASTER ELECTRICIAN LICENSURE EXAMINATIONS 2014, PINARANGALAN!

Personal na iginawad ni Gob. Edgardo A. Tallado ang certificates of commendation sa 6 na iskolar ng Camarines Norte Provincial Government College Education Assistance Program (CNPGCEAP) na nakapasa sa katatapos na 2014 Licensure Examination for Electrical Engineer and Registered Master Electrician.

Ito ay sina Engr. John Christopher R. Lumapag at Engr. Gemmalyn A. Ventura na Registered Electrical Engineers na mga nagsipagtapos mula sa Camarines Norte State College (CNSC) noong nakatikod na taong 2013. Nakapasa naman bilang Registered Master Electricians sina Darell D. Chang, Joana Rose F. Bernardino, Donta A. Nolo at Jay B. Camus na kumukuha ng Electrical Engineering course mula pa rin sa CNSC na unti-unting nakikilala bilang de-kalidad na kolehiyo pagdating sa engineering courses.

Ibinigay sa kanila ang gawa-pagkilala sa loob ng programang isinagawa kahapon, Oktubre 15, 2014, ganap na ika-1 ng hapon sa Little Theater, Provincial Capitol, Daet kung saan nagkaroon din ng Distribution of Checks for Tuition Fee Reimbursement and Allowances for CNPGCEAP Scholars.

Sina Gob. Tallado at Bise Gob. Jonah G. Pimentel ay nagpahayag ng kanilang na mensahe sa okasyon na una nang nagpahayag ng lubos na kasiyahan at nakamit na tagumpay ng mga CNPGCEAP scholars na sina Engr. Lumapag, Engr. Ventura, at Master Electricians na sina Chang, Bernandino, Nolo, at Camus.

Una rito, ang 6 na iskolar ay nagpaabot din ng kani-kaniyang mensahe at naghikayat sa mga kasalukuyang iskolar ng CNPGCEAP para mas maging masipag at matiyaga sa pag-aaral para maabot din ang kanilang ambisyon sa buhay at maging matagumpay na indibidwal sa hinaharap.

Samantala, nagbigay naman ng welcome and opening remarks si SPM Jay Emmanuel G. Pimentel, Ex-Officio (PCL President) na tumatayong tagapamuno ng Sangguniang Panglalawigan (SP) Committee on Education.

Lorena Dela Torre-Ibasco/Jing Arriola Calimlim

(Photo Credits: www.facebook.com/cnpgceap)

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.