Pasok bilang isa sa 10 Most Outstanding Teacher in the Philippines ng Metrobank foundation ang isang guro mula sa lalawigan ng Camarines Norte.
Kauna-unahang nanalong teacher mula sa Camarines Norte sa taun-taong pagsasagawa ng Search for “Ten Most Outstanding Teachers in the Philippines” mula ng gawin itong programa ng Metrobank foundation mula pa noong 1985! Tunay na maipagmamalaki ng lalawigan ang isang public secondary school teacher na si Dr. Noel V. Ibis ng Vinzons Pilot High School nagtapos ng Doctorate degree in Philosophy na nagmula sa bayan ng Daet.
Panganay mula sa limang magkakapatid buhat sa bayan ng Vinzons, Camarines Norte, naging kabiyak ng puso ang kanyang asawang si Lourdes at naging ama sa kanyang walong taong gulang na anak na si Gabriel.
Mula sa napakaraming nominees na nagmula sa iba’t-ibang panig ng bansa, 312 teachers lamang ang napili. Bumaba na lamang sa 146 teachers ang napili sa mga lalawigan at pagdating sa rehiyong pagpipili, 42 na lamang ang mga finalists.
Mula naman dito sampung guro na lamang ang idineklarang mga nanalo. Apat sa elementarya, apat sa sekondarya at dalawa naman sa higher education. Pinangalanan ang mga ito :
Mula sa Elementary Category: Anna Bella f. Abellera ng Naga Central School (Naga City); Sharon Rose P. Puyo ng Cabadbaran South Central Elementary School SPED Center (Cabadbaran City, Agusan del Norte); Dr. Enerio E. Ebisa ng Doña Juana Actub Luch Memorial Central School (Iligan City); at Dr. Allan Moore S. Cabrillas ng San Jose West Central School (San Jose City, Nueva Ecija).
Mula sa Secondary Category Dr. Juanito A. Merle ng Talipan National High School (Pagbilao, Quezon); Dr. Jesus C. Insilada ng Alcarde Gustilo Memorial National High School (Calinog, Iloilo); Dr. Matrose P. Galarion ng Angeles City National High School (Angeles City); at Dr. Noel v. Ibis ng Vinzons Pilot High School (Vinzons, Camarines Norte).
Samantala, mula naman sa Higher Education category: Dr. Resurreccion B. Sadaba ng University of the Philippines-Visayas (miag-ao, iloilo) at dr. Teodora d. Balangcod ng university of the Philippines-Paguio (Baguio City) .
Gaganapin ang gawad parangal ng mga nanalo sa Most Outstanding Teachers, kasabay na din dito ang mga nanalo sa Country’s Outstanding Police Officers(cops) at Outstanding Philippine Soldiers(tops) sa Setyembre 1 – 8, 2014 sa Metro Manila. Makatatanggap ng tig limandaang libong piso, gold medallion, trophy at plaque of recognition ang bawat isa.
Orlando Encinares
CNNews Correspodent