Hindi pa man lang nakapagpapahayag ng kanyang privilege speech si Board Member Mike Canlas, naging mainit na ang talakayan sa sesyon ng Sangguniang Panlalawigan kamakalawa, August 19, 2014.
Kinuwestyon ng ilang miyembro ng SP ang nakatakdang ipahayag ni Bokal Canlas na anila’y hindi ito ang orihinal na kopyang isinumite nito sa SP Secretariat.
Nais ng mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan at maging ni Vice Governor Jonah Pimentel na walang malalabag sa internal rules ang privilege taker at gayundin ang karapatan naman nito sa pagpapahayag.
Sinabi ni VG Pimentel sa panayam sa mga mamamahayag na walang plano ang kanilang mga kasamahan na harangin ang privilege speech ni BM Canlas subalit nais lamang nilang matiyak na ang lahat ng bagay ay naaayun sa panuntunan lalo pa’t ang usapin ay patungkol sa kapwa nila kasamahan.
Sa panig naman ni Bokal Canlas, wala namang mababago sa una nyang naisumiteng draft, subalit may ilang mga karagdagan lamang syang inihabol na hindi naman maaapektuhan ang pinaka buod ng kanyang malayang pamamahayag.
Sa huli, matapos ang mahaba haba pang usapin tuluyan na ring napag bigyan ang bokal na ipahayag ang kanyang inihandang pananalita.
Narito ang kabuuang lamang ng malayang pamamahayag ni Board Member Mike Canlas na may titulong…
“ PAGLILINAW AT PAG ALAM NG KATOTOHANAN SA MGA NAGING PAHAYAG NG ILANG MIYEMBRO NG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN SA RADYO NG BAYAN LABAN SA ISANG BOKAL NG LALAWIGAN.”
SA ATING PANGALAWANG AMA NG LALAWIGAN, SA MGA MIYEMBRO NG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN, SA INYO PONG LAHAT, ISANG MAGANDANG UMAGA PO!
ANG MALAYANG PAMAMAHAYAG PONG ITO AY NAG BUNSOD NA ISAGAWA NG INYONG KAIBIGAN BOKAL MIKE CANLAS, DAHIL SA MGA NAGING KAPAHAYAGAN NG ILANG MIYEMBRO NG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN NOONG IKA-14 NG AGOSTO 2014, SA ORAS NA IKA 10-11 NG UMAGA.
ANG NATURANG PROGRAMA AY BAHAGI NG INILAAN NA ORAS O PROGRAMA NG RADYO NG BAYAN PARA SA SANGGUNIANG PANLALAWIGAN NA KUNG SAAN PO NA ANG ATING PRESIDING OFFICER AND MADALAS O REGULAR NA ANCHORMAN/REPORTER PARA SA SANGGUNIANG PANLALAWIGAN.
ANG NASABING PALATUNTUNAN O PROGRAMA NOONG IKA 14 NG AGOSTO AY MAY PORMA NA PAG AAKUSA AT PERSONAL NA PAG ATAKE SA ISANG BOKAL NG ILANG KAPWA MIYEMBRO NG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN .
NA SINASABING MAY ISANG BOKAL NA NAG SULONG AT NAG ASIKASO NG MGA DOKUMENTO NA GINAMIT SA PAGN SASAMPA NG KASO LABAN SA ILANG MIYEMBRO NG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN TUNGKOL SA ISYU NG EMISSION TESTING CENTER SA LALAWIGAN NG CAMARINES NORTE.
NA SA AKING PANINIWALA, BILANG MIYEMBRO NG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN AY MARAPAT LAMANG NA LINAWIN AT TUKUYIN KUNG SINO ANG PARTIKULAR AT SINASABING BOKAL DAHIL SA NAKASALALAY DITO ANG INTEGRIDAD, REPUTASYON, KARAPATAN, SEGURIDAD AT DIGNIDAD NG BAWAT MIYEMBRO NG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN NA NAAYON SA SEKSYON 10, RULE IX NG ATING IRP (QUESTION OF RULES OF PREVILEGED).
LUBHA PONG KAKAIBA AT NAKALULUNGKOT ANG PANGYAYARING ITO, NA ANG MISMONG MGA KASAMAHAN SA INSTITUSYON SA SANGGUNIANG PANLALAWIGAN ANG BUMATIKOS SA KAPWA BOKAL NA DAPAT SANAY SA REGULAR NA SESYON O EXECUTIVE SESSION NA LANG ISINAGAWA, UPANG GAYUN AY MAAARING PATAS AT NAIPAGTANGGOL NG PINATUTUNGKULANG BOKAL ANG KANYANG SARILI. AT ANG HINDI PA PO MAGANDANG PANGYAYARI AY ANG RADYO PA NG BAYAN ANG NAGING INSTRUMENTO/NA RADYO NG GOBYERNO/RADYO NG TAO/RADIO NATING LAHAT.
KUNG KAYA’T AKO PO AY HUMIHILING SA RADYO NG BAYAN, SA PAMAMAGITAN NG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN NA MAKAKUHA O MABIGYAN TAYO NG “RECORDED FILE VOICE CLIP” NG NASABING PROGRAMA NOONG IKA-14 NG AGOSTO 10-11 NG UMAGA. UPANG ATIN PONG MAPAKINGGAN AT MAPAG ARALAN NA TUTULONG SA ATING PANG UUNAWA AT PAGPAPASYA.
KUNG KAYA’T SA PAGKAKATAON PONG ITO AY MANGYARING HILINGIN SA MGA KGG. NA BOKAL NA PANGALANAN AT TUKUYIN KUNG SINONG BOKAL ANG PARTIKULAR NA KANILANG PINARARATANGAN AT SINASABING KUMUHA NG MGA DOKUMENTO SA LTO NA GINAMIT LABAN SA KANILA SA KASO O USAPIN NG EMISSION TESTING.
HILINGIN SA NAG AAKUSANG KASAMAHAN BOKAL NA ILABAS AT MAG LATAG NG MGA KATIBAYAN SA KAPULUNGANG ITO UKOL SA MGA PARATANG LABAN SA NASABING BOKAL.
NA KUNG HINDI MAPATUTUNAYAN ANG MGA NASABING BINTANG O AKUSASYON AY MANGYARING HILINGIN DIN NA HUMINGI NG DESPENSA AT PAGTUTUWID ANG NAG AKUSANG BOKAL SA PAMAMAGITAN DIN NG PAGPAPAHAYAG NILA SA TADYO NG BAYAN.
MARAMING SALAMAT PO SA INYONG PAKIKINIG!”
Sa pagtatapos ng nasabing malayang pamamahayag, agaran namang nag mosyon si Board Member Pol Gache na tuluyan nang iterminate ang usapin dahilan sa nag konsumo na ito ng mahaba-habang oras sa kanilang sesyon. Marami pa anya ang mga pag uusapan nan aka agenda sa araw na iyon, na pinangalawahan naman ni bokal Pamela Pardo.
Sa kabila nito, bahagyang nagkaroon pang muli ng pagpapalitan ng mga tanong at kasagutan na hindi rin naman tuluyang nabigyan ng linaw.
Ayaw naman sagutin ni Canlas ang katanungan ni Bokal Rene Herrera hinggil sa kung talagang sya ng aba o hindi ang nagkalap ng dokumento mula sa LTO. Nais ni Bokal Canlas na umamin muna kung sino ang nagsalita sa radio at kung ito ay kayang patunayan.
HEROES OF CAMARINES NORTE
Ikinumpara naman ni Vice Governor Jonah Pimentel bilang mga bayani ang mga bokal na nahaharap ngayon sa kaso dahil sa pag-apruba ng resolusyon may kaugnayan sa pagpapahintulot ng pagtatayo ng Emission Testing Center ng Pamahalaang Panlalawigan.
Sinabi ni VG Pimentel na katulad ng mga bayani na pinapatay, pinapahirapan at sinasaktan, bahagi na ito ng pagiging lingkod bayan. Anya, kinakailangan nilang harapin ang asunto kung ito ang kapalit ng kanilang pagkilos para sa ikabubuti ng kanilang mga mamamayan. Sinabi pa ng bise gobernador na walang masama na gumawa ng hakbang ang ilang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan kung papano masusulusyunan ang problema ng mga motorista na lubos nang nahihirapan at apektado ng kakulangan ng emission testing center sa lalawigan.
Sa naturang kaso na isinampa ng may-ari ng isang emission center sa ombudsman, hindi nakasama sina Bokal Mike Canlas, Tessie Malubay, Senen Jerez at Bong Quibral na kilala bilang mga nasa minority-opposition at naglatag ng kanilang descending opinion. Ang nabanggit na mga bokal ay hindi sumang-ayun sa pagpapasa ng resolusyon ng Sangguniang Panlalawigan hinggil sa Smoke Emission testing center ng pamahalaang panlalawigan.
Sa panig naman ni Bokal Mike Canlas, wala umano sa kanilang kontrol kung sino ang gustong sampahan ng kaso ng naturang negosyante. Anya, nararamdaman din nya ang kung ano ang pakiramdam ngayon ng kanyang mga kasamahan na nahaharap sa kaso. Minsan na rin umano syang nasampahan ng kaso sa ombudsman at kanya itong hinarap ng mag-isa at ni minsan ay hindi sya nagtanim ng sama ng loob sa nagsampa ng kaso sa kanya dahil nauunawaan nya na bahagi na ito ng Sistema sa pulitika at paglilingkod sa bayan.
Hangad din ni Canlas na malagpasan din ng kanyang mga kasamahan ang pinagdaraanan ng mga ito at itinuturing pa rin nya itong mga kaibigan na kasama sa paglilingkod magkakaiba man minsan ang kanilang mga paniniwala. Maging si Vice Governor Jonah Pimentel hanggang sa ngayon ay mataas pa rin anya ang kanyang respeto bilang kanilang ama sa Sangguniang Panlalwigan.
Gian Grijalvo
Camarines Norte News