MAYOR ASCUTIA, VICE MAYOR FRANCISCO AT APAT NA IBA PA, NAHAHARAP SA KASONG ADMINISTRATIBO!

MAYOR ASCUTIA, VICE MAYOR FRANCISCO AT APAT NA IBA PA, NAHAHARAP SA KASONG ADMINISTRATIBO!

Nahaharap ngayon sa kasong pag labag sa section 3 (e)  R A 3019 Anti-graft and Corrupt Practices Act. R A 9184 the government procurement act., Gross negligence,  abuse of authority, Grave misconduct and conduct grossly prejudicial to the public service.

Isinampa ang kaso sa tanggapan ng Ombudsman ng isang Roderick Velante Mago laban kay Mayor Joseph V. Ascutia, Vice Mayor Severino “Jojo” Francisco, SB Secretary Dolores Francisco, Executive Assistant II Erwin S. Espeso, Bids and Awards Secretary Dr. Aida Francisco Municipal Administrator, at BAC Chaiman Mun. Engr. Raul B. Jacela pawang ng local na pamahalaan ng bayan ng Labo, Camarines Norte.

Nag-ugat ang pagsasampa ng kaso dahilan sa diumano ay ang pagsasagawa ng mga proyekto sa bayan ng Labo na di dumadaan sa tamang proseso. Mistulang kalesa umano ito na nauna pa sa kabayo.

Samantala ayon naman kay Mayor Joseph Ascutia, nakahanda siyang sagutin ang lahat ng naturang akusasyon at ayon pa sa kanya ay maagang pamumulitika sa kanyang bayan ang dahilan ng naturang pagsasampa ng naturang kaso.

Ang mahalaga aniya ay patuloy niyang ginagawa nag kangyang tungkulin na ipinagkaloob sa kanya ng kanyang mga kababayan sa Labo.

Tiniyak naman nito na malinis ang kanilang konsensya sa bagay na ito at kumpiyansa silang walang patutunguhan ang kasong ito na pawang maagang preparasyon na ito ng kanyang posibleng makalaban sa darating na 2016 elections.

Sa ngayon, ipinagmalaki ni Ascutia ang mga proyektong kanya nang naipatupad sa ilang panahon pa lamang ng kanyang panunungkulan.

Kabilang dito ang mga programang pangkabuhayan ng kanyang mga kababayan particular ang pagsasakahan ng tanim na cacao.

Sa ngayon ay malapit na ring masimulan ang kanilang proyektong Integrated Central Terminal sa bayan ng labo na tutugon sa magulong sitwasyon ng trapiko sa centro ng bayan ng Labo.

Ricky Pera

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *