VG PIMENTEL, MAGSUSUOT NG ITIM SA MGA SUSUNOD NA SESYON BILANG PAGPAPAKITA NG SALOOBIN!

VG PIMENTEL, MAGSUSUOT NG ITIM SA MGA SUSUNOD NA SESYON BILANG PAGPAPAKITA NG SALOOBIN!

Hindi itinago ni Vice Governor Jonah Pimentel ang sama ng loob matapos na mapabilang sa mga nasampahan ng kaso hinggil sa isyu ng Emission Testing Center.

Magugunitang kamakailan ay pormal nang nagsampa ng kasong administratibo ang isang Agapito Sale, isang negosyante na nagpakilalang may-ari ng smoke emission testing center sa lalawigan ng Camarines Norte hinggil sa pag-aapruba ng Sangguniang Panlalawigan ng isang resolusyon na nagpapahintulot sa pamahalaang panlalawigan na magpatayo ng isang kahalintulad na smoke emission testing center.

Hindi makapaglagay ng smoke emission testing centers ang ilang mamumuhunan sa lalawigan bunsod ng isang usapin sa korte na nakapaglatag ng Temporary Restraining Order (TRO) ang korte hinggil dito na nagpipigil sa sinuman na magtayo ng kahalintulad na negosyo.

Minsan na ring nagbanta si Ginoong Sale sa pamamagitan ng sulat na ipinadala nito sa SP na magsasampa ito ng kaso kung sakaling itutuloy ang pag-aapruba ng naturang resolusyon.

Nag-ugat ang nasabing resolusyon bilang tugon sa matagal nang reklamo ng libo-libong mga motorista sa lalawigan na nahihirapan at naabala ng pagpaparehistro ng kanilang mga sasakyan bunsod ng kakulangan ng dalawang emission testing centers sa lalawigan na mapagsilbihan ang mga ito. Inaabot pa umano ng halos hanggang lagpas ng isang buwan bago mairehistro ang kanilang mga sasakyan ayun sa reklamo.

Kamakailan nga, pormal nang tinanggap ng mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ang kopya ng kanilang kasong administratibong kinakaharap sa Ombudsman na isinampa ng nasabing negosyante.

Sa kabuuang miyembro ng SP, hindi nakasama sa sinampahan ng kaso sina Bokal Michael Canlas, Erwin Lausin, Tessie Malubay at Bong Quibral, pawang mga hindi sumang-ayon sa pag-aapruba ng naturang resolusyon.

Ayun kay Vice Governor Pimentel, tanggap naman nila na karapatan ng sinuman na magsampa ng reklamo kung sa kanilang paniniwala ay sila ay nasa katuwiran. Bagamat hindi rin nito maisantabi ang kanyang saloobin na sumama ang loob dahilan sa anyaโ€™y sa kabila ng kanilang hangarin na makatulong sa kanilang mga kababayan na humihingi ng tulong na matugunan ang kanilang suliranin sa emission  testing ay asunto pa ang naging premyo nila. Ito rin anya ang kauna-unahang kasong kanyang kinaharap sa kanyang tanang buhay at sa loob ng dalawampung taon nyang paninilbihan sa pamahalaan.

Bilang pagpapakita ng kanyang saloobin, magsusuot ng itim si VG Pimentel sa kanilang mga sesyon hanggat hindi natatapos ang pagdinig sa naturang kasong administratibo.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.