BOKAL GERRY QUINONES NAGSAGAWA NG MALAYANG PAMAMAHAYAG TUNGKOL SA PAGMIMINA SA BAYAN NG PARACALE!

BOKAL GERRY QUINONES NAGSAGAWA NG MALAYANG PAMAMAHAYAG TUNGKOL SA PAGMIMINA SA BAYAN NG PARACALE!

SA ATING IGINAGALANG NA TAGAPANGULO, SA MGA KASMAHAN KONG BOKAL, SA MGA MEDIA, AT SA LAHAT NG ANDITO NGAYON ISANG MAGANDANG UMAGA ANG PAGBATI NG INYONG LINGKOD. MINARAPAT KO PO NA MAGSAGAWA NG ISANG MALAYANG PAMAMAHAYAG SA KADAHILANAN, NA NOONG NAKARAANG LINGGO AKO PO AY MAY NATANGGAP NA IMPORMASYON NA MAY NAGAGANAP DAW NA PAGMIMINA SA BRGY.

CASALUGAN SAKOP NG BAYAN NG PARACALE. AT AYON PO SA NAKAUSAP KO NA GALING NA MISMO SA LUGAR NA PINAGMIMINAHAN, ITO AY ISANG GINAGAWANG OPERASYON AY LUBHANG MAPANGANIB AT DELIKADO. DELIKADO SAPAGKAT DIKIT DIKIT ANG PAGITAN NG MGA BUTAS NA HALOS DALAWANG METRO LAMANG ANG PAGITAN. (KALAKIP PO NITO AY ANG MGA LARAWAN NA KUHA MISMO SA LUGAR NG PINAGMIMINAHAN). BUKOD PA DIYAN, KARAMIHAN KARAMIHAN SA MGA BUTAS AY WALANG TIMBER NA MAGIGING PROTEKSIYON NG NAS ILALIM NA BUTAS HUNG MAGKAKAROON NG PAGGUHO.

AT SA KANYANG PAGTAYA, DI HAMAK NA MAS MARAMI ANG BILANG NG MGA ITO KESA SA BULAAY. AT NAPAG ALAMAN KO DIN NA GUMAGAMIT NG DINAMITA AG NASA ILALIM NG BUTAS, SAPAGKAT SIYA MISMO AY NAGULAT NANG HBIGLANG PUMOTOK NG ORAS SIYA AY NASA IBABA.

LUBHA TALAGANG NAKABABAHALA SAPAGKAT KUNG MAGKAKADIKIT ANG NGA BUTAS AY NAPAKALAPIT NA MAGKAROON NG PAGGUHO SA ILALIM NG BUTAS NA MAGRERESULTA NA MAY MGA BUHAY NA MATATABUNAN.

GANITONG GANITO ANG NAMGYARI SA BULAAY NA KUNG SAAN AY DI NA MAKITA ANG MGA BANGKAY NG MGA NATABUNAN SA ILALIM NG BUTAS. HANGGANG SA NGAYON BLANGKO ANGAWTORIDAD KUNG ILAN TALAGA ANG NASAWI SA NASABING PAGKAKABOD. KAGALANG GALANG NA TAGA PANGULO, ALAM NATIN NA ISA SA MGA HANAPBUHAY NG MGA CAMARINES NORTE AY ANG PAGKAKABOD.

SABI NGA, PANAHON PA NG MGA KASTILA AY MAYROON NG NAGKAKABOD DITO SA ATIN. AT KUNG ITO ANG ISA SA MGA IKINABUBUHAY NG ATING MGA KABABAYAN, DAPAT LANG NA PANGUNAHING TINGNAN ANG SAFETY NG GINAGAWANG PAGMIMINA. HIHINTAYIN PA BA NATIN NA MAGAYA SA BULAAY ANG CASALUGAN?

ALAM KAYA NG LOKAL NA PAMAHALAAN AT SANGGUNIANG BAYAN NG PARACALE ANG GINAGAWANG PAGMIMINA? AT ANO KAYA ANG GINAGAWANG AKSYON NG BARANGAY AT NG PHIL. NATIONAL POLICE? NAKARATING NA RIN KAYA SA DENR-MGB ANG BAGAY NA ITO?

SA NGAYON PO AY TAG ULAN NA. AT ANG ULAN ANG NAGPAPALAMBOT NG LUPA. AT ANG PAG MALAMBOT ANG LUPA AY LAGING NAKAAMBA ANG PANGANIB NA MAGKAROON NG PAGGUHO ANG MGA BUTAS NG MGA NAGKAKABAGOD. WAG PO SANA NATIN HINTAYIN MAY MAGBUWIS NA NAMAN NG BUHAY NG DAHIL SA HINDI PAGKILOS NG AWTORIDAD. WAG NAMAN SANA MAGING BULAAY IIANG CASALUGAN.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *