LALAKI, PATAY SA PAMAMARIL SA BAYAN NG MERCEDES!

608-VICTIM
608-CALANDRIA

Patay sa anim na tama ng bala ang isang lalaki matapos na walang habas na pagbabarilin ng hindi pa nakilalang (mga) suspek sa Barangay Dos, bayan ng Mercedes, lalawigan ng Camarines Norte kagabi, Agosto 26, 2014.

Kinilala ang biktima na si Federico Panganiban Y Santos, may asawa, tubong Hagonoy Bulacan at kasalukuyang naninirahan sa Purok 3, Brgy Dos ng nasambit na bayan.

Ayun sa ulat ni P/Sinsp. Rogelyn Peratero Calandria sa CNPPO, ganap na alas 9, kagabi nang umuwi sa kanilang tinutuluyan sa purok 3, Brgy 2 ng nabanggit na bayan mula naman sa bahay ng kanyang kaibigan si Panganiban, at bago pa man lang makapasok sa pintuan ng kanilang tahanan, bigla na lamang itong pinaulanan ng bala ng hindi pa nakilalang suspek.

Nagtamo ng anim na tama ng bala sa ibat ibang parte ng katawan ang biktima subalit nagawa pang humingi ng tulong sa kanyang mga kapitbahay at agad na naisugod sa Camarines Norte Provincial Hospital.

Sa lubha ng tama, inirekomenda na dalhin ang biktima sa lunsod ng Naga para sa agarang operasyon. Samantala, sa gitna ng biyahe nalagutan na rin ng hininga si Panganiban at hindi na umabot pa ng buhay.

Sa kasalukuyan ay patuloy naman ang ibestigasyon ng Mercedes PNP upang alamin ang punoโ€™t dulo ng nasabing pamamaslang at kung sino ang nasa likod ng naturang krimen. Nanawagan na rin si P/Sinsp. Calandria sa sinuman na may alam sa nasabing insidente na makipag tulungan sa kanila para sa mabilisang pagkakahuli sa suspek at mailapat ang hustisya sa biktima.

Ricky Pera

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.