MAYOR SARION, HINDI NA TATAKBO SA 2016! FIRST LADY CONNIE, ININDURSO BILANG SUSUNOD NA ALKALDE NG DAET!

MAYOR SARION, HINDI NA TATAKBO SA 2016! FIRST LADY CONNIE, ININDURSO BILANG SUSUNOD NA ALKALDE NG DAET!

Tuluyan nang binasag ni Mayor Tito Sarion ng bayan ng Daet ang kanyang pananahimik hinggil sa mga usap usapan na pag takbo ng kanyang maybahay na si Daet First Lady Connie Sarion bilang alkalde.

Kagabi, August 31, 2014 sa isinagawang Induction ng Daet Society of Arts Enthusiasts at sa harapan ng kanyang mga political leaders, pormal nang inanunsyo ng alkalde ang kumpirmasyon ng nasabing balita.

Ayun kay Mayor Sarion, ang kanyang desisyon ay nagmula mismo sa kanilang mga political leaders na nag usap-usap hinggil sa desisyong ito.

Klaro umano ang mensahe ng mga ito na ang kanyang maybahay na si Connie ang nais nilang magpatuloy ng mga programa ng administrasyong Sarion.

Ito rin anya ang kanilang napag-usapan ni Governor Edgardo Tallado na chairman ng Liberal Party sa Camarines Nlorte sa kanilang pag tungo sa Estados Unidos kamakailan.

At upang makapag bigay sya ng buong suporta sa kanyang maybahay sakaling makaupo bilang alkalde, hindi na rin sya tatakbo sa anumang posisyon ngayong darating na eleksyon.

Ayun sa alkalde, dalawa na silang maninilbihan at magseserbisyo sa taumbayan ng Daet. kinakailangan lamang anya ng kanyang maybahay sa ngayon pa lang ay pag aralan na ang bagay bagay sa pag seserbisyo bilang chief executive.

Gayunpaman, nilinaw ni Sarion na hindi pa ito deklarasyon, kundi announcement pa lamang mula sa kanyang panig. Bandang huli, ayun sa alkalde, ang partido pa rin ang mag dedesisyon kung sino sino ang mga mapipiling tatakbo sa ibaโ€™t ibang posisyon sa lalawigan.

Wala pa namang binanggit o anumang commitment si Mayor Sarion kung sino naman ang kanyang iiendursong Vice Mayor at konsehal sa kanyang mensahe kagabi.

Camarines Norte News



Leave a Reply

Your email address will not be published.