“Tapat na serbisyo, alay ko, dahil lingkod bayani ako!” Ito ang tema ngayon ng pagdiriwang ng ika 114 na anibersaryo ng serbisyo sibil sa bansa na isasagawa ngayong buong buwan ng Setyembre.
Sinimulan ito ng umaga sa flag raising ceremony sa mga lokal na pamahalaan sa labing dalawang bayan ng Camarines Norte.
Halos iisa ang laman ng mensahe ng mga alkalde sa probinsya, ito ay ang paghikayat sa kanilang mga kapwa manggagawa sa pamahalaan na maging masinop at pagbutihin ang kanilang pag lilingkod sa kani-kanilang mamamayang pinaglilingkuran.
Si Mayor Tito Sarion ng Daet ay nagpahayag na sosorpresahin nyang bisitahin ang kanyang mga kawani sa kanilang mga tanggapan sa pamahalaang lokal upang Makita kung nasa maayos ang pag seserbisyo ng mga ito anumang oras.
Samantala, alas singko ng hapon, isinagawa naman sa Little Theatre, sa Agro Sports Center Building ang isang banal na misa na isinagawa ni Msgr. Cezar Echano, parish Priest ng St. John D Baptist Church, na dinaluhan ng mga kawani ng kapitolyo at ng mga National Government Agencies.
Pagkatapos ng misa nagkaroon ng isang maikling programa na nagbigay naman ng kanilang mga pahayag ang mga opisyal ng lalawigan at ng Ceivil Service Commission.
Mensahe ni Governor Edgardo Tallado, hinikayat nito ang mga kawani ng pamahalaan, lalo na ang mga nasa ilalim ng pamahalaang panlalawigan na magsipag sa pagtatrabaho sapagkat mapapalad sila na nagkaroon ng pagkakataon na makapag trabaho sa gobyerno. Anya, napakahaba ng pila ng mga aplikante at maaari nya umanong palitan ang mga hindi magsisipag sa trabaho upang makapasok ang mas nararapat sa sweldo na nagmumula sa buwis ng mamamayan.
Ayun naman kay Vice Governor Jonah Pimentel, higit umano sa dapat na trabahuhin ng mga kawani ng gobyerno ang inaasahan ng mga mamamayan, kung kayat marapat lamang na magtrabaho silang mga nasa pamahalaan ng higit sa oras kung kinakailangan.
“Dapat tapat sa trabaho, Efficient at magalang”, ito naman ang binigyan diin ni Civil Service Commission Provincial Director Cecilia Balmaceda sa kanyang mensahe sa nasabi ding okasyon para sa mga nasa serbisyo sibil. Upang maging epektibo, dapat anyang isipin ng bawat kawani ng gobyerno na sa bawat araw ng kanilang pagtatrabaho ay isipin nilang ito na ang kanilang huling araw sa trabaho, upang maibuhos ang lahat ng kakayahan na makapag lingkod sa kanilang mga mamamayan, at upang makapag iwan ng legacy sakaling mag retiro na ang mga ito.
Matapos ang maikling programa, sinimulan na ang “Pen light” Parade na dinaluhan ng nasabing mga opisyal at kawani ng pamahalaan. Dala ang mga maliliit na flashlights, umikot sa mga pangunahing lansangan ng Daet ang nasabing mga civil servants kasabay ng paglubog ng araw. Makikita ang ganda ng tanawin habang pinapanood ng mga mamamayan ang parada na sa gitna ng dilim ay nagsisilbing liwanag ang mga mumun ting ilaw na dala ng mga ito.
Simbolo ito na ang mga manggagawa ng gobyerno ay mag sisilbing liwanag sa mga mamamayan sa gitna ng dilim o pangangailangan.
Samantala, narito naman ang pahayag ni Civil Service Commission Chairman Enrique Duque:
“Isang maligayang pagbati sa lahat ng lingkod bayani ngayon ika-isang daan at labing apat na anibersaryo sibil. Isang pribilehiyo na mapabilang sa hanay ng mga ligkod bayani, lalo na’t ating makikita ang mga pagbabago sa larangan ng serbisyo publiko.
Alam ng komisyong ng Serbisyo Sibil ang taglay na galling, talino at potensiyal ng bawat kawani ng gobyerno. Kaya naman pinagsisikapan naming suportahan an gating yamang tao at kaunlarang pang organisasyon upang mas mapabuti pa namin ang serbisyo sa mamamayang Pilipino . Binibigyang pugay din naming ang lahat6 ng opisyal at kawani na patuloy na nagtataguyod ng matuwid at mahusay na pamamahala para sa ikakuunlad n gating bayan. Kaya naman ang tema sa taong ito ay “Tapat na Serbisyo Alay ko, Dahil Lingkod Bayani Ako”
Inaanyayahan ko ang lahat ng lingkod bayani na sumali sa ibat-ibang mga kaganapan nakalaan para sa atin ngayong[m1] Septyembre. Hinihikayat ko rin ang lahat na magkaisa at magtulungan upang makamtan natin ang mithiin n gating pamahalaan. Muli isang maligayang pagbati sa lahat. Mabuhay ang serbisyong sibil ng Pilipinas!”
Narito rin ang magiging laman ng programa sa buong isang buwan ng nasabing programa:
114th PHILIPPINE CIVIL SERVICE ANNIVERSARY
Province of Camarines Norte
Program of Activities
SEPTEMBER 1, 2014
Part I – 4:30 P.M. HOLY MASS LITTLE THEATER PROVINCIAL CAPITOL, DAET CAM. NORTE
PART II – 3:00 P.M. OPENING PROGRAM
SEPTEMBER 1, 2014 PENLIGHT PARADE
SEPTEMBER 2, 2014 FUN RUN / Opening of Sports Fest
SEPTEMBER 4-5, 2014 Government Express goes to the Mall
SEPTEMBER 5, 2014 PRIOR
SEPTEMBER 5-10, 2014 CPO Outreach Campaign for Examinees
SEPTEMBER 16, 2014 Anti-Smoking Forum (RO5)
SEPTEMBER 17, 2014 HEALTH AND WELLNESS
SEPTEMBER 17, 2014 CPO Family Day/ Talent Show
SEPTEMBER 18-19, 2014 Forum for Local Elected Officials
SEPTEMBER 19, 2014 Medical Mission/Blood Letting
SEPTEMBER 22, 2014 TALAKAYAN
SEPTEMBER 23, 2014 Healthy Lifestyle Symposium
SEPTEMBER 24, 2014 Agency Visit/ Office Hoping/ Open House
SEPTEMBER 25, 2014 Cam Norte Executive Learning and Dev’t. Activity
SEPTEMBER 30, 2014 Closing and Awarding Ceremony