GUINNESS WORLD RECORD SA PINAKAMAHABANG BOODLE FIGHT NG GINATAANG PAGKAIN, NASUNGKIT NG BAYAN NG LABO!

GUINNESS WORLD RECORD SA PINAKAMAHABANG BOODLE FIGHT NG GINATAANG PAGKAIN, NASUNGKIT NG BAYAN NG LABO!

Umabot sa 2.65 kilometro ang haba ng isinagawang paghahain ng ibat ibang putaheng ginataan ng mga mamamayan ng bayan ng Labo, Camarines Norte kahapon, September 1, 2014, kaugnay ng kanilang pagdiriwang ng 16th Busig-on festival na pinasimulan din kahapon hanggang sa ika-8 ng Setyembre.

Sa ipinakitang pagkakaisa ng mga mamayan ng bayan labo ay nakuha nitong lamangan ang dating record na 1.8km na naitala sa Guinness world record na longest ginataang cuisine.

Labis-labis naman ang pasasalamat ni Mayor Joseph Ascutia ng bayan ng Labo dahil sa pagpapakita ng kanyang mga kababayan ng isang tunay na pagkakaisa matapos na maisagawa ang napakahabang hanay ng pagkain na nagsimula sa Brgy Kalamunding na dumaan sa centro ng Labo at diretso sa Brgy Bautista.

Ipinakita ng ib’at-ibang barangay sa kanyang bayan ang lahat ng klaseng ulam na ginataan, mayroong ginataang palos, bayawak, alimango, manok, tuwadtuwad, kalabasa, sitaw, at iba pa. Dinagsa naman ng lahat ng mamamayan ng bayan ng Labo ang sabay-sabay na pagkain ng ginataan cuisine na pinangunahan mismo ni Mayor Joseph V. Ascutia.

Samantala ay sinumulan ang pagdiriwang ng 16th Busig-on festival sa pamamagitan ng flag raising ceremony, opening ng pasyal turismo, marian icons,tourism, agri trade fair, food plaza at grand opening parade, na pinangunahan ni Mayor Ascutia, Vice Mayor Jojo Francisco at ng mga miyembro ng sangguniang bayan ng Labo.

Ang bayan ng Labo ang isa sa itinuturing ngayon na may pinakamalaking potensyal na mapalakas ang turismo. Ito ay sa pamamagitan na rin ng mga programang pang turismo na isinusulong ni Mayor Ascutia at sinusuportahan naman ni Governor Edgardo Tallado sa pamamagitan ng Provincial Tourism Office na pinamumunuan ni Atty. Debbie Francisco.

Ayun kay Gov. Tallado, ang pagkakatala ng bayan ng Labo sa Guinness World Record ay isang hudyat at patunay ng pagkakaisa ng mga mamamayan dito at ang inaasahang pag-usbong ng turismo at kabuhayan sa naturang bayan.

PANOORIN ANG VIDEO NG BUSIG-ON FESTIVAL TEASER AT ANG KABUUANG PROGRAMA: I-CLICK –> BUSIG-ON FESTIVAL VIDEO AND PROGRAM OF ACTIVITIES.

Ricky Pera

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *