(Photo courtesy of Luigi Quirubin)
Isinasagawa kamakalawa, Setyembre 2, 2014 sa Villa Mila Garden Resort and Conference Center, Daet, Camarines Norte ang 2nd Triple C ‘Gem of the Pacific’ Consultation Conference kung na dinaluhan nina Albay Gov. Joey S. Salceda na tumatayong RDC Chairman, CamSur Gov. Miguel R. Villafuerte; Catanduanes Gov. Araceli B. Wong at ni Gov. Edgardo Tallado ng Camarines Norte, gayundin si DOT Regional Director Maria Ravanilla. Dinaluhan din ito ng mga alkalde o ng kanilang mga kinatawan, at mga Municipal Tourism Officers mula sa labing bayan ng lalawigan, maging ang may 36 na opisyal na opisyal na binubuo ng ilang mayor ng mga siyudad sa
rehiyong bikol, mga regional directors ng national government agencies at iba pang miyembro ng RDC para sa pagtitipon.
Ang pagtitipon ay may kaugnayan din sa Triple C Covenant of Alliance ng tatlong (3) Gobernador batay sa mga plano at programang panturismo ng tatlong (3) probinsya sa rehiyong bicol na tinaguriang triple C: na kinabibilangan ng mga lalawigan ng Camarines Norte, Camarines Sur at Catanduanes at kung paano sila magtutulungan at magbibigay ng suporta sa isa’t-isa para higit na mapaunlad ang industriya ng turismo o sa kani-kanilang nasasakupan.
Bilang host province ng pagtitipong ito, ilalahad ni Gob. Edgardo A. Tallado ang kanyang 10-point agenda sa pagsusulong ng Camarines Norte Tourism Development Program. Samantala, gabi bago ang pagtitipon ay idinaos rin ang Governor’s Night sa Bagasbas Beach House bilang pagtanggap ni Gov. Tallado sa mga bisitang dumating.
Sa naturang consultation conference na tinawag ding Special Bicol Regional Tourism Committee (BRTC) Meeting ay tatalakayin ni G. Danilo Intong ng DOT RO5 ang Bicol Tourism Cluster and Triple C TDA. Bibigyan daan din ang Report on Catanduanes Consultation na ilalahad ni Ms. Fe R. Buela mula pa rin sa DOT RO5.
Sa talakayan, naglatag din ng kani-kanilang mga programang pang turismo ang mga alkalde at kinatawan mula sa labing dalawang bayan ng Camarines Norte.
Hiniling ni Mayor Edgar Ramores ng bayan ng San Lorenzo Ruiz na mabigyan sila ng kaukulang pansin ng pamahalaang panlalawigan partikular sa programang pang turismo. Agaran din naman itong natugunan ni Governor Edgardo Tallado sa pagsasabing may mga programa sila sa nasabing bayan partikular ang Agri-tourism program ng pamahalaang panlalawigan at ng Department of Agriculture, maliban pa sa pagpapasemento ng mga kalsada sa nasabing bayan na napapakinabangan na ng mga mamamayan at ng mga turistang maaaring tumungo dito.
Sa katunayan, noong araw ding yun, tumungo sa San Lorenzo Ruiz si Gov. Tallado kasama si Asst. Secretary Leandro Gazmin ng Dept. of Agricultre sa Matacong resettlement Area para sa highland vegetable production na ipatutupad dito para sa karagdagang produksyon ng mga magsasaka na ibebenta sa Agri-Pinoy Trading center. Isa anya itong malaking potential na maging Agri-Tourism dahilan sa magandang lokasyon nito.
Ang pag papanumbalik ng air transportation at rehabilitation ng airport naman ang naging tema ng pananalita ni Mayor Dong Padilla ng bayan ng Jose Panganiban. Anya, madalas ay nadadala nang bumalik sa Camarines Norte ang kanyang mga investors o mga bisita dahilan sa hirap ng biyahe sa zigzag road ng Sta Elena papasok sa iba pang bayan ng lalawigan. Tugon ng gobernador, meron na silang pakikipag ugnayan sa Department of Transportation and Communication DOTC upang mabigyan ng pondo ang pag sasaayos ng Bagasbas airport at sa posibleng pagbabalik ng mga biyaheng eroplano patungo sa ating probinsya. Nabanggito din ni Mayor Padilla ang posibilidad na mapabuksan at mautelize ang Roy Padilla Sr. Highway na tatagos sa bahagi ng Ragay Camarines Sur, diretso na patungo sa Quirino Highway.
Hiniling ni Governor Tallado sa mga alkalde sa lalawigan na magsumite lamang sa kanya ng kani-kanilang mga programang pang turismo na maaaring makatulong ang kanyang tanggapan dahil ang turismo naman ang pangunahing prayoridad ng kanyang administrasyon sa ngayon.
Anya, ito ang dahilan kung kayat may roong kahalintulad nitong programa na Triple C ay upang magtulungan sa kung papano mas mapapaunlad ang turismo sa pamamagitan ng pagtutulungan ng nasabing mga probinsya.
Matapos ang talakayan, isinagawa na rin ang paglalagda sa Memorandum of Agreement o ang Triple “C” covenant of alliance na syang magsisilbing gabay at panuntunan ng nasabing mga probinsya para sa pagtutulungan ng bawat isa. Nilagdaan ito nina Edgardo Tallado ng Camarines Norte, Gov. Miguel Villafuerte ng Camarines Sur at Gov. Araceli Wong ng Catanduanes.
Sa nasabi ring okasyon binuo na rin ang Provincial Tourism Council na syang magiging katuwang ng pamahalaang panlalawigan at ng provincial tourism office na pinamumunuan naman ni Atty. Debbie Francisco sa mga programa nitong pang turismo.
Camarines Norte News