HOLDAPER SA HARAPAN NG SM HYPERMART SA DAET, HULI SA AKTO! BINUGBOG NG MGA TRICYCLE DRIVER!

HOLDAPER SA HARAPAN NG SM HYPERMART SA DAET, HULI SA AKTO! BINUGBOG NG MGA TRICYCLE DRIVER!

Naghihimas ngayon ng malamig na rehas ang isang lalaking naaktuhan sa panghohold-up sa isang estudyante sa harapan mismo ng SM Hypermarket sa bayan ng Daet.

Kaliwa’t kanang suntok ang inabot ng suspek mula sa mga tricycle drivers na nakaparada sa nasabing lugar.

Kinilala ang suspek na si Norman Dy Exquivel, 36 anyos, may asawa at isang anak at residente ng Purok 7, Brgy 5, Dupax, Daet, Camarines Norte.

Lunes (Sept 8) alas 7:30 ng gabi, habang naglalakad ang isang estudyante, sinundan umano ito ng suspek at tinutukan ng patalim. Nakita ito ng rumorondang pulis na si P01 Marian Guinto at sinita ang holdaper, dito na naalarma ang mga tricycle drivers na nakapila sa nasabing department store at hinabol ang suspek. Nang maabutan, hindi na napigilan pa ng pulis ng bugbugin ito ng mga galit na drivers.

Agad na dinala sa pagamutan ang suspek para sa medical check up bago ito ipinasok sa detention cell ng Daet PNP.

Nananawagan naman ngayon ang Daet PNP sa mga posibleng nabiktima ng suspek na tumungo sa kanilang himpilan at i-identify ang suspek at para makatulong sa pagsasampa ng kaso laban dito.

Sa panayam ng Camarines Norte News sa suspek, inalahad nito ang tunay na pangyayari at inamin na nagawa nya ang krimen dahilan sa pangangailangan ng pambili ng pagkain at gatas ng kanyang anak.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.