MGA PINTOR NA TAGA-DAET, NAKILAHOK SA “ROKYAW 2014 VISUAL ART EXHIBIT”

MGA PINTOR NA TAGA-DAET, NAKILAHOK SA “ROKYAW 2014 VISUAL ART EXHIBIT”

Nakilahok sa “Rokyaw 2014 Visual Art Exhibit” ang limang pintor na taga-Daet bilang pagpapaunlak sa imbitasyon ng Salingoy Art Group ng Naga. Ang rokyaw ay salitang Bikol na ang ibig sabihin ay pagpupuri. Ito ay alay ng Salingoy Art Group bilang pagpupugay sa kapistahan ng patron ng Bicolandia ang Mahal na Ina “Nuestra Senora de Penafrancia”.

Ang exhibit ay pinasinayaan noong ika-4 ng Setyembre 2014 sa ganap na ikaapat ng hapon. Ito ay ginanap sa ikalawang palapag ng Avenue Plaza Convention Center sa Magsaysay Road, Naga City. Ang mga obra ay mananatiling nakasabit hanggang sa ika-24 ng Setyembre 2014.

Hindi lang ang mga taga-Daet ang nakilahok sa naturang exhibit dahil inimbita rin ng Salingoy Art Group ang mga artists ng Art Association Of the Philippines na nakabase sa Kanlungan ng Sining sa Luneta, Manila na pinangunahan ng kanilang presidente na si Ginoong Fidel Sarmiento na siya ring naging panauhing pandangal.

Bukod sa mga artists dumalo rin ang ilang maimpluwensiyang  pulitiko ng Bicol na sina dating Gov. Luis Villafuerte at kasalukuyang congressman na si Hon. Wimpy Fuentebella. Ipinahayag nila ang kanilang suporta sa mga Bicol Artist upang lalong mapaunlad pa lalo ang sining at kultura ng rehiyon.

Ang grupo na lumahok ay pinangunahan ni Jao Deauna, kasama sina Cresencio Adlawan, Don Jason de Belen, Jolanda Apostol at Paulo Yu. Nagpapasalamat sila sa Salingoy sa suporta at mainit na pagtanggap na lalong nagpaigting ng kanilang hangarin na pag-ibayuhin pa ang kanilang pakikilahok sa mga exhibit sa hinaharap.

Nag-uulat,

Cres Adlawan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *