MAAYOS NA PAGKOLEKTA NG REAL PROPERTY TAX SA CAM NORTE,NAPATUNAYAN!

MAAYOS NA PAGKOLEKTA NG REAL PROPERTY TAX SA CAM NORTE,NAPATUNAYAN!

Ang Camarines Norte ay kasama sa 18 lalawigan updated ang Schedule of Market Value (SMV) at bunga nito ay maayos ang koleksyon ng buwis para sa iba’t-ibang serbisyo sa lipunan. Kabilang din ang Camarines Norte sa 30 lalawigan na tumutupad sa ipinag-uutos ng Local Government Code na pagsasagawa ng general revision of property assessment and classification na isang beses tuwing ika-tatlong taon.

Sa lathalang ipinalabas sa website ng Department of Finance (DOF) at Bureau of Local Government Finance (BLGF) nabatid din na  50 probinsya ang hindi nakatutupad sa itinatakdang gawain. Kapag ang isang lalawigan ay hindi na tama at napapanahon ang schedule of market values ng mga ari-arian hindi ito patas sa mga taxpayers at nagreresulta ito sa kakulangan ng buwis sa pamahalaan at limitadong mga gawain at programa para sa publiko. Itinatakda ng batas na ang buwis na sisingilin sa mga real properties ay dapat fair, current and updated.

Sa kasalukuyan ay nagsasagawang ang Provincial Assessor’s Office ng general revision of real property appraisal na ang pagpapatupad naman nito ay sa 2015. Samantala, sa multi-service caravan sa bayan ng Sta.Elena noong Agosto 28-29, 2014 ay ipinagkaloob ni Gov. Edgardo A. Tallado at Acting Provincial Assessor Virgilo Tuazon sa barangay council ang mapa ng barangay Maulawin, Cagtalaba, Tabugon at Don Tomas. Ipagkakaloob din ang mapa ng Patag Ilaya, Patag Ibaba, Guitol, Cabuluanat Plaridel sa ibang pagkakaton.  Mahalaga ang nasabing mapa upang mabatid ng pamunuan ng barangay at mga mamamayan doon ang pagitan at kinalalagyan ng kanilang mga ari-ariang hindi natitinag, sa pagkakatong ito

na sila ay sakop nang muli ng Camarines Norte. Ang nasabing 9 na barangay ay nasakop ng lalawigan ng Quezon sa loob ng 67 taon at naibalik sa Camarines Norte sa kautusan ng Korte Suprema ng Bansa noong Nob. 1989.

Jing Arriola – Calimlim

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *