NANALONG TAGA CAM NORTE SA 10 MOST OUTSTANDING TEACHER IN THE PHILS, NAGPASALAMAT KAY MAYOR AGNES ANG!

NANALONG TAGA CAM NORTE SA 10 MOST OUTSTANDING TEACHER IN THE PHILS, NAGPASALAMAT KAY MAYOR AGNES ANG!

Tumungo sa tanggapan ni Mayor Agnes Diezmo-Ang ang taga Camarines Norte na nanalo kamakailan sa 10 Most Outstanding Teacher of the Philippines ng METROBANK FOUNDATION.

Si Dr. Noel V. Ibis ng Vinzons Pilot High School ay personal na nagkortesiya at nagpasalamat kay Mayor Agnes Diezmo-Ang dahilan sa suportang ibinibigay anya ng nasabing alkalde sa mga paaralan sa Vinzons.

Ibinahagi ng nasabing guro ang kanyang tagumpay, hindi lamang sa alkalde kundi sa mga mamamayan ng Vinzons.

Samantala, kamakailan, nagbigay si Mayor Agnes ng Php400,000 para sa Vinzons Pilot High School kung saan nagtuturo si Ginoong Ibis. Maliban dito, nagbigay pa din ng Php200,000 para naman sa Vinzons Pilot Elementary School. Ang naturang mga pondo ay magagamit ng paaralan para sa kanilang mga programang pang edukasyon.

Hindi lamang si Mayor Agnes ang nagpaabot ng pagbati sa natatanging guro mula sa Vinzons kundi maging ang mga department heads ng LGU Vinzons na nandun din sa nasabing pagkortesiya sa opisina ng alkalde.

Ang Vinzon Pilot High School ay isa sa itinuturing na magagaling na paaralan sa buong lalawigan ng Camarines Norte. Hindi lamang mga residente ng Vinzons ang naka-enroll sa nasabing dito kundi maging mula sa mga karatig-bayan nito.  Producer din ang Vinzons Pilot High School ng mga magagaling na estudyante at matagumpay na na sa kani-kanilang mga larangan sa ngayon.

Ito rin ang dahilan kung bakit labis ang suportang ibinibigay dito ni Mayor Agnes Ang upang mas lalong mapalakas ang kalidad ng nasabing mga paaralan sa kanyang bayan.

Samantala, narito ang karagdagang balita hinggil sa parangal na tinanggap ni ginoong Ibis.

Click –> RELATED NEWS

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.