PAG PAPA-UPDATE NG DATA BASE NG MGA MEMBER CONSUMER NG CANORECO, HINILING NI BM QUIBRAL SA KANYANG RESOLUSYON!

PAG PAPA-UPDATE NG DATA BASE NG MGA MEMBER CONSUMER NG CANORECO, HINILING NI BM QUIBRAL SA KANYANG RESOLUSYON!

Pasado kahapon ang resolusyong isinulong ni Board Member Bong Quibral sa Sangguniang Panlalawigan kaugnay ng kahilingan nito sa pamunuan ng Camarines Norte Electric Cooperative, CANORECO, na ma update ang records o Database ng kanilang mga miyembro konsumedores.

Ito ayun kay Bokal Quibral ay bunsod na rin ng obserbasyon ng ilang mga dumalo sa General Membership Assembly sa bayan ng Jose Panganiban nitong nakatalikod na Agosto, hinggil sa kasalukuyang sitwasyon ng record ng CANORECO na may mga pagkakataon anya matagal ng namatay ang tun ay na miyembro konsumedores at naisalin na sa hanggang tatlong henerasyon ang bahay ay nakapangalan pa rin sa mga ninuno ang record sa CANORECO.

Maging ang mga nag benta ng bahay at lumipat na sa ibang lugar o lumabas na ng bansa subalit nakapangalan pa rin ang kuntador sa dating may-ari ng bahay. Dahilan din ito para hindi makaboto sa ang ilang mga konsomedores dahilan sa iba pa nakapangalan ang kuryente ng kanilang mga tinitirhang bahay.

Ayon pa kay Quibral na ang progresibong ahensya ay makikita ang isang updated information ng kanilang database para sa mabilis, maasahan at modernisadong transaksyon.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.