MGA SUSPEK SA PAGPATAY SA 2 PERSOMAHE SA LABO, SINAMPAHAN NA NG KASO NG LABO PNP!

MGA SUSPEK SA PAGPATAY SA 2 PERSOMAHE SA LABO, SINAMPAHAN NA NG KASO NG LABO PNP!

Sinampahan ng kasong murder ng Labo PNP ang mga suspect sa pagpatay sa dalawang biktima kamakailan sa bayan ng Labo.

Matatandaan na noong ika 27 ng Agosto dakong ika-anim ng umaga ay natagpuang wala ng buhay ang dalawang lalaki sa loob mismo ng Lukban Piggery sa Purok 1a, Brgy Bakiad, Labo, Camarines Norte.

Ayon kay P/Supt. Fernandes ang hepe ng Labo MPS, nakilala ang mga biktima na sina Roderick Turno Y Obal at Carlos “Caloy” Ramos Y Zabala na pinaniniwalaang pinatay ng mga sinampahan ng kasong murder na kinilalang sina Emmanuel “Eman” Romero T Campo, 29 anyos, residente ng Purok 5 Brgy. Matacong San Lorenzo Ruiz, Camarines Norte at ang kanyang kapatid na nakilalang si Edgar Romero Y Campo 24 anyos, binata, self-employed at naninirahan sa Purok 1 Brgy Bakiad Labo.

Naitala ang kaso sa bilang NPS-V-09-INV-141-03811 at NPS-INV-141-03812 noong nakalipas na ika 10 ng sept 2014.

Sinasabing matagal nang alitan ang ugat ng nasabing pagpatay at alitan sa kanilang trabaho.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.