BRGY IV, MANTAGBAC, INUWI ANG KAMPEONATO SA METRO DAET CUP 2014, INTER-BRGY BASKETBALL TOURNAMENT!

BRGY IV, MANTAGBAC, INUWI ANG KAMPEONATO SA METRO DAET CUP 2014, INTER-BRGY BASKETBALL TOURNAMENT!

Ibinulsa ng Batang Mantagbac (Brgy IV) ang kampeonato sa katatapos na METRO DAET CUP Inter-Barangay Basketball Tournament kontra sa Brgy Camambugan, kagabi (Sept. 12) sa Final game na ginanap sa Camarines Norte Agro sports Center sa score na 76-72.

Sa elimination round ay hindi nakatikim ng talo ang team ng Brgy IV sa standing na 12-0 sa group B.

Nakasagupa ng Brgy IV ang Brgy Camambugan na isa lamang ang talo sa elimination round na sya namang nag hari sa group A.

Sa unang laro sa ng Best of Three, FINALS,  nakuha ng Camambugan ang panalo na umabante ng dalawang puntos. Nakuha naman ng Mantagbac ang panalo sa ikalawang laro na lumamang ng 22 points.

Kagabi, tuluyan nang inangkin ng Batang Mantagbac ang korona bilang pinakamagagaling na manlalaro ng basketball para sa  taong ito.

Halos sumabog ang Camarines Norte Agro sports Center sa dami ng taong nanood mula sa magkabilang team. Buhos din ang suporta ng mga Brgy Officials ng dalawang magkatunggaling Brgy na pinamumunuan ni PB Sonia K. Bermas ng Brgy IV at PB, Liga ng mga Brgy President Benito S. Ochoa ng Camambugan.

Pagkatapos ng laro, personal na binati ni PB Ochoa ang mga manlalaro ng Brgy Cuatro at ang mga kapwa nya opisyal ng barangay.

Nagpasalamat din naman ang dalawang kapitan at ng mga kagawad ng barangay sa suportang ibinigay ng mga kanilang mga kabarangay sa ilang gabing paglalaro.

Siniguro din ng nasambit na mga opisyal na patuloy ang kanilang ibibigay na suporta sa mga kahalintulad na sports na malaking tulong sa mga kabataan upang makaiwas sa masasamang bisyo.

Labis din ang pasasalamat ni konsehal Asis sa pamunuan ng PNP Daet, sa pangunguna ni COP Supt. Paul Abay sa presensya ng mga pulisya sa tuwing may palaro upang mapangalagaan ang kapayapaan at maiwasan ang gulo. Malaki rin anya ang tulong ng mga miyembro ng MDRRMO Daet sa pangunguna naman ni Ginoong Santiago Mella Jr na sa pamamagitan ng kanilang mga miyembro ay agarang nalalapatan ng paunang lunas ang mga nasasaktang mga manlalaro.

Samantala, pinag aaralan naman ngayon ni Konsehal Sherwin Asis ang pagbubukas ng Inter-Barangay Volleyball for Women na posibleng mapasimulan ngayong darating na Disyembre hanggang Pebrero ng 2015. Ito ay upang mabigyan ng pansin ang mga kababaihang manlalaro sa larangan ng Volleyball.

Narito naman ang resulta ng Awarding sa katatapos na Metro Daet Cup 2014

Most Valuable Player – Adrian Campollo, Brgy IV

Best Coach – Jomar Bermas, Brgy IV

Mythical Team
Kelvin King, Center, Cuatro
Adrian Campollo, PG, Cuatro
Nelson Bradecina, SG, Camambugan
Rey Calibara, SF, Cinco
John Mark Sulpa, PF, Camambugan

Second Mythical Team
Mark Joseph Cadag, C, Cuatro
Joash Rosalinas, PG, Camambugan
Arturo Miguel Palogan, SG, Camambugan
Glen Sto. Domingo, SF, Cinco
Chester Abordo, PF, Bagasbas

All-Defensive Team
Jessie dela Cruz, C, Awitan
Daniel Yadao, G, Borabod
Dennis Serrano, G, Magang
John Alwin Abdon, F, Cinco
Nico Codornis, F, Cuatro

Sixth Man of the Year
Arvin Glen Jordas, Cuatro

Referee of the Year
Joel Manlangit

Sportsmanship Award
Alejandro Macaro, Bagasbas

Muse of the Year
Ariella Panotes, Camambugan

Best Uniform
Barangay Cuatro

Most Supportive Barangay
Barangay Cuatro
Barangay Camambugan



Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *