CAMNORTE PROV. GOV’T NAGHAHANGAD NA MAABOT ANG STAGE 4 NG GENDER AND DEVELOPMENT PROGRAM!

CAMNORTE PROV. GOV’T NAGHAHANGAD NA MAABOT ANG STAGE 4 NG GENDER AND DEVELOPMENT PROGRAM!

Sa kasalukuyang isinasagawang Training Workshop for Gender and Development, GAD Focal Points sa Paseo de Bienvenida Daet, nabatid na ang Pamahalaang Panlalawigan ay nasa Stage 2 o mayroong ng mga inilatag na estratehiya at mekanismo upang ang Gender and Development (GAD) Program ay ganap na maipaloob sa mga projects, programs and activities (PPAs) nito.

Kauna-unahan din ang Provincial Local Government Unit (PLGU) of Camarines Norte na nakipag-ugnayan sa kanilang kagawaran at naglunsad ng workshop na ito sa Rehiyong Bikol ayon sa isa sa mga tagapagsalita na si Ma. Gerlie L. Avila ng Planning Division ng PSWD Region V.

Sa isang pamamaraan na tinatawag na Gender Mainstreaming Evaluation Framework (GMEF) na pinamahalaan ni Avila, pinasagutan niya sa mga dumalong kawani ang 37 katanungan at sinuri ito batay sa apat na aspeto: Policies; People; Enabling Mechanism at PPAs. Ang naging resulta ay 24 ang sagot na “oo” at 12 ang sagot na “hindi” na ang kahulugan nito ay 24 na gawain o pantunan ang nagagawa at natutupad ng pamahalaang panlalawigan sa aspeto ng paglalatag ng mga polisiya; pagtatalaga ng namamahalang kawani, mayroong mekanismong nagpapakilos at mayroong mga proyekto, programa at mga gawaing pang-GAD. Samantala, 17 gawain ang dapat pang tupdin o may mga pangkukulang pa. Ang isang katanungan na “may network database ba ng GAD partners ang pamahalaang panlalawigan” ay tinugon ng “oo” sapagkat mayroong network of partners ngunit sinagot din ito ng “hindi” sapagkat wala pang database nito.

Matapos ang GMEF, ang nakuhang score o marka ay 2.75 na ibig sabihin ay nasa stage 2 ang pamahalaang panlalawigan o halos malapit na sa stage 3.

Nangangahulugan ito na nagagawa na nito ang mga hinihingi sa stage 1 na Foundation Formation at stage 2 na Installation of Strategic Mechanism. Malapit na sanang maabot ang Stage 3 na GAD Application ngunit may kailangan pang tupdin tulad ng Strategic Plan for GAD funds atbp.

Nabatid din na ang PPAs ng pamahalaang panlalawigan ay GAD focused ngunit kailangan lang itong maipaloob sa GAD Plan nang sama-sama at magkakaugnay. Sa huling araw ng workshop na pamamahalaan naman ng DILG ay isasagawa ang planning and budgeting upang maipaloob ang mga PPAs sa GAD Plan na alinsunod sa batas ay may laang pondong 5% ng kabuuang taunang badyet.

Pinamahalaan ng PSWDO, PPDO at nang katatalagang GAD Focal Point sa bisa ng executive order ni Gob. Edgardo A. Tallado, ang nasabing 3 araw na gawain. Ang halos lahat ng departamento ng PLGU ay mayroon kinatawan sa nasabing planning workshop.

JING A. CALIMLIM/ Posted by Ramon Vecino

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.