6TH REGIONAL COMPETITION NG MAJORETTES AND BAND/DLC/DBC AT CAT SILENT FANCY DRILL SA LUNSOD NG NAGA, MATAGUMPAY NA IDINAOS!

6TH REGIONAL COMPETITION NG MAJORETTES AND BAND/DLC/DBC AT CAT SILENT FANCY DRILL SA LUNSOD NG NAGA, MATAGUMPAY NA IDINAOS!

Photos by Deo N. Trinidad

Kompetisyon na kinabibilangan ng mga model flight o platoon na binubuo ng mga estudyanteng kadete na galing sa iba’t-ibang probinsya ng Bikol ang naglaban-laban sa prestihiyosong kumpetisyon sa Bicol Region Silent and Fancy Drill competition na ginanap sa Naga city.

Bagamat napakatindi ng ulan dahilan sa bagyong “Luis”, lahat ng C.A.T Competing Unit ay kumpletong nakilahok sa nasabing kumpetisyon. Kung kahapon nagpaligsahan sa pagtugtog at pagsayaw sa Drum and Lyre competition ngayon ay pahusayan naman sa marching sa pagdadala ng rifles. Makapigil na hiningang silent and fancy drill at ang nakaka engganyong pagsasayaw ng mga kadete. Walang itulak kabigin sa mga C.A.T. Competitors sa galing pagsasayaw, galaw na talaga namang ginugulan ng panahon ng kani-kanilang mga facilitators at trainors.

Bawat kalahok ay binigyan lamang ng lima hanggang anim na minuto. Sakaling magkulang o sumobra ng hinihinging oras ay awtomatikong babawasan ng limang puntos. Ang pagbibigay ng puntos ng mga hurado ay kinapapalooban ng marching, facing at cadence na may 25 points, carriage and execution of rifle 25 points, appearance and smartness 10 points, dance portion 30 points at ang aksyon ng flight o platoon leader sa pag-aasemble ng mga kadete na may 10 points. Pawang mga kilalang tao na kabilang sa Armed Forces of the Philippines ang mga hurado. Dahil sa husay at galing ng bawat grupo ay halos nagkakatalo na lamang sa maliit na puntos ng mga hurado.

Hindi maiwasang sumigaw sa katuwaan ang mga nanonood na dumayo pa ng naga city galing sa malalayong lugar upang saksihan ang prestihiyosong kumpetisyon. Lalo pa nga at nakakakita sila ng mahusay na galaw at nakakaindak na sayaw ng mga kadete. Nanalo sa kabuuan ang university of saint anthony ng iriga city at pumangatlo naman ang camarines norte state college laboratory high school ng camarines norte. – Orlando Encinares

PANOORIN ANG VIDEO NG CNSC DLC (Posted by Deo N. Trinidad)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *