CIVIL SERVICE OFFICE SA CAM NORTE, PINASOK NG MAGNANAKAW KAGABI KASABAY NG MALAKAS NA BUHOS NG ULAN!

CIVIL SERVICE OFFICE SA CAM NORTE, PINASOK NG MAGNANAKAW KAGABI KASABAY NG MALAKAS NA BUHOS NG ULAN!

Halos maubos ang mga mahahalagang gamit sa loob ng Civil Service Office sa Purok 1, Brgy Camambugan, Daet nang pasukin ito ng mga magnanakaw kaninang madaling araw, September 18, 2014 habang nasa kalakasan ng ulan.

Alas sais na ng umaga nang matuklasan ni CSC Provincial Director Cecilia T. Balmaceda nang lumabas ito mula sa kanyang kwarto. Kalat kalat na ang mga gamit sa mismong opisina, bukas na ang mga bintana at basang basa ng tubig ulan sa loob.

Stay-in sa opisina ng Civil Service si PD Balmaceda na labis ang passalamat dahil hindi sya pinasok sa kanyang kwarto ng naturang mga kawatan.

Madaling nakapasok ang mga suspek dahil sinungkit lamang umano ang lock ng main door na isang pako lamang.

Natangay ng mga magnanakaw ang 2 scanner, 2 printer, 1 Uninterrupted Power Supply, UPS, 1 malaking Computer Monitor, 1 set ng speaker, 2 fire extinguisher at maging ang water dispenser.

Iniwan naman sa labas ng opisina ang basang basa na mga CPU na sinasabing iniwan na ng mga salarin.

Nagsasagawa naman ng imbestigasyon ang pulisya hinggil sa posibleng mga salarin. Nanawagan din ang pulisya sa publiko na mapagbebentahan ng nasabing mga gamit na ipagbigay alam agad sa Barangay o sa pinakamalapit na pulisya upang masakote ang mga salarin.

Ngayong buwan ng Setyembre ipinagdiriwang ang Civil Service Month Anniversary.

Ricky Pera/Rodel Llovit

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.