10M HALAGA NG SOLAR STREET LIGHTS PARA SA CAM NORTE, HILING NI BM QUIBRAL SA DEPT. OF ENERGY!

10M HALAGA NG SOLAR STREET LIGHTS PARA SA CAM NORTE, HILING NI BM QUIBRAL SA DEPT. OF ENERGY!

Hiniling sa pamamagitan ng resolusyon ni Bokal Reynoir “Bong” Quibral sa Department of Energy ang halagang 10 milyong pisong Solar Street Lights para sa mga pangunahing lansangan ng lalawigan ng Camarines Norte.

Naniniwala si Bokal Quibral na isa sa mga pangunahing layunin ng Departamento ng Enerhiya sa ilalim ng Aquino Administration ay mapataas ang kalidad ng pamumuhay ng Pilipino sa pamamagitan ng pagsasagawa at pagpapatupad ng mga polisiya at programang titiyak sa pangmatagalan, ,matatag, sapat at abot kayang halaga ng enerhiya.

At dahil ang pamahalaang lalawigan ay sumusuporta at nagpupursige sa pag gamit ng alternatibong enerhiya at makakalikasang pagpapaliwanag ng mga lansangan upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa bawat brgy ng lalawigan, minarapat ni Bokal Quibral na hingin ang tulong ng Department of Energy para sa katuparan nito.

Ito rin anya ay magdudulot ng pagtitipid sa pag gamit ng kuryente na mag dudulot ng tuloy tuloy nang pag gamit ng mga lokal na pamahalaang ng kuryente sa naturang paraan.  Susog din anya ito sa Energy Regulations No. 1-94 o mas kilala sa “Rules and Regulations Implementing Section 5(i) ng RA No. 7638 o Department of Energy Act of 1992.

Agaran di namang naaprubahan sa nasabing sesyon ang resulyong nabanggit na sinuportahan ng pangkalahatang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan.

Umaasa naman si BM Quibral na mabibigyan ito ng pansin ng nasabing departamento at agarang maipagkakaloob sa lalawigan ng Camarines Norte sa mas lalong madaling panahon.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *