(From left: Coun. Joan De Luna, FL Connie Sarion, Mayor Tito Sarion, Coun. Boy Bacuño
Sa kabila ng kalamidad na dumaan sa bansa na dala ng bagyong Mario, may magandang balitang bitbit naman si Mayor Tito Sarion para sa mamamayan ng Daet, Camarines Norte.
Sa mahigit dalawang daang munisipalidad sa bansa, nakamit ng bayan ng Daet ang pangalawa (2nd Place) sa Municipal Level Class A bilang Most Outstanding Municipality sa “Most outstanding Municipality National Literacy Awards” na isinagawa sa Teacher’s Camp Baguio City, ngayong hapon lamang. ( 2:30pm, Sept. 19, 2014)
Ang naturang parangal ay ipnagkakaloob ng Literacy Coordinating Council, Republic of the Philippines na naglalayong bigyang pagkilala ang mga munisipalidad at ciudad sa bansa na may katangitanging mga programa para sa literasiya (literacy), o mga programang pang edukasyon sa loob at labas ng paaralan.
Bago nakarating sa finale ang bayan ng Daet, dumaan ito sa regional level na syang tinaghal sa Number 1 sa literacy programs sa lahat ng bayan sa rehiyong Bicol. Ang Daet na rin ang nag silbing kinatawan ng rehiyon hanggang sa national level.
Pumasok ang bayan ng Daet sa Top 5 sa unang salvo ng evaluation at sa ngayon sa araw ng parangal, ay nakamit nito ang pangalawa sa pangkalahatan sa buong Pilipinas, sa nangunang bayan ng Plaridel Bulacan.
Labis ang kagalakan ni Mayor Tito Sarion na sa kabila ng limitadong resources ng bayan ng Daet ay nagagawa pa rin ng kanyang administrasyon ng labis sa inaasahan ang mga programang tutugon sa literasiya ng kanyang mamamayan.
Nanguna sa nasabing award ang bayan ng Plaridel, Bulacan na nasa pangatlong taon (3 years) nang nangunguna sa nasabing Literacy Award.
Masaya si Sarion dahilan sa kabila ng ito ang kauna-unahang pagkakataon na sumali ang bayan ng Daet sa National Literacy Award ay pumangalawa ito agad sa matagal nang nangungunang bayan ng Plaridel.
Bunsod ng parangal na ito, mas lalo itong nag silbing inspirasyon kay Mayor Sarion na pagbutihin pa ang kanyang mga programa sa edukasyon.
Kasama ni Mayor Sarion sa pag tanggap ng award ang kanyang maybahay na si First Lady Connie Sarion na may malaking papel din na ginagampanan sa mga tagumpay na nakakamit ng alkalde.
Nagpasalamat din si Sarion sa kanyang mga kasamahan sa pamahalaang lokal ng Daet na nagpagod sa pag hahanda ng mga dokumento para sa nasabing entry. Maging ang Sangguniang Bayan ay bahagi din anya ng nasabing tagumpay dahilan sa mga lehislasyong isinasagawa partikular ng kometiba ng edukasyon, sa pangunguna ni Konsehal Sherwin Asis at ng mga kasamahan nito sa SB Daet. Sa Department of Education sa Camarines Norte na syang nagpapatupad ng ilang mga programang pang edukasyon ng Pamahalaang Lokal ng Daet.
Magugunitang kamakailan lamang ay tumanggap din ng pagkilala ang Pamahalaang lokal ng Daet bilang Number 1 sa Most Competitive Municipality sa buong Pilipinas.
Ang nasabing mga karangalan ay itinuturing ni Mayor Tito Sarion bilang indikasyon ng maigting at magandang pagtutulungan at relasyon ng mamamayan at mga opisyal ng bayan ng Daet.
Narito ang kabuuang Resulta ng katatapos na National Literacy Awards 2014:
1st Place – Plaridel, Bulacan – Region III
2nd Place – Daet, Camarines Norte – Region V
3rd Place – San Nicolas, Ilocos Norte – Region I
4th Place – Manolo Fortich, Bukidnon – Region VI
5th Place – Tigbauan, Iloilo – Region VI
(Photos courtesy of Northlink Travel and Tours)
Camarines Norte News