EPEKTO NG BAGYONG MARIO SA CAMARINES NORTE! DETOUR BRIDGE SA STA ELENA, BUMIGAY! BYAHE APEKTADO(As of 11am, Sept. 19, Friday) Photo courtesy of Rhea Balmes-Ortiz and Rey Jardin

EPEKTO NG BAGYONG MARIO SA CAMARINES NORTE! DETOUR BRIDGE SA STA ELENA, BUMIGAY! BYAHE APEKTADO(As of 11am, Sept. 19, Friday) Photo courtesy of Rhea Balmes-Ortiz and Rey Jardin

Bumigay ang isang De-tour ng isinasagawang tulay sa Brgy Cabuluan Sta Elena Camarines Norte sa kalakasan ng ulan kagabi dulot ng bagyong Mario.

Hindi na nakatawid pa ang mga motorist at maging ang mga bumibiyahe papasok at palabas ng lalawigan. Kung kayat minarapat na lamang ng mga biyaheng papasok sa Camarines Norte na bumalik at umikot na sa Quirino/Andaya Highway para makapasok sa lalawigan.

Agaran na ring tumungo ang mga kinatawan ng DPWH sa nasabing nasirang de tour at pinag-aaralan na ang maaaring gawin upang sa mabilis na paraan ay makadaloy na ang mga nababalam na mga motorist.

Samantala umapaw na rin ang ilog sa Brgy Daguit Labo kaninang madaling araw. Hindi rin nakalusot agaran ang mga biyahe patungo ng Metro Manila bagamat naging passable na rin mga alas 8 ng umaga. Gayunpaman, hindi pa rin ito makalulusot sa bahagi ng Sta Elena bunsod ng pagkasira ng Detour Brdige doon.

Naging maagap naman ang pagkilos ng mga opisyal ng mga Risk Reduction Management Office sa buong lalawigan. Agaran na ring nakapagbigay ng direktiba si Governor Edgardo Tallado sa PDRRMO na pinamumunuan ni Ginoong Tony España. Nanawagan ito sa mga residente malapit sa mga gilid ng kabundukan na maging alerto at umalis na kung magpatuloy pa ang pagbuhos ng ulan hanggang sa mga susunod pang oras.

Pinalikas na rin ng mga MDRRMO ang kanilang mga nasasakupan na nakatira sa mismong mga tabing ilog. Napag-alaman din na tumaas na ang halos lahat ng ilog sa buong lalawigan na nagresulta na rin ng paglikas ng ilang mga residente patungo sa mga evacuation centers.

Si Mayor Tito Sarion ng Daet ay kasalukuyang nasa lungsod ng Baguio upang tumanggap ng award mamayang hapon sa National Literacy Award. Subalit maaga pa rin ay nakapagbigay na ito ng direktiba kay MDRRMO Head Santiago Mella Jr. at inalerto na ang lahat ng mga tauhan na magmonitor at maging alerto hanggang sa mga susunod na 24 oras. Nakahanda na rin anya ang mga behikulo kung kinakailangan para sa mabilisang paglilikas sa mga residenteng nasa mga mabababang at madalas na binabahang lugar, katulad ng Brgy Mambalite at ilan pang brgy sa munisipalidad.

Malinaw na din anya ang kanyang mga tagubilin kay Municipal Administrator Elmer Nagera na syang mangangasiwa sa munisipyo habang sya ay nasa lunsod pa ng baguio.

Sa kabila ng pansamantalang pag tigil ng ulan, nananatili pa ring alerto ang mga MDRRMO sa buong lalawigan dahilan sa inaasahang posbileng muli itong bumuhos ng ulan anumang oras ngayong hapon at hanggang mamayang gabi.

Camarines Norte News

Leave a Reply

Your email address will not be published.