GOV. EGAY TALLADO, HUMINGI NG TULONG KAY P-NOY AT DPWH SEC. SINGSON PARA SA AGARANG PAGPAPAAYOS NG DETOUR SA STA. ELENA! MGA BYAHERO, SA QUIRINO/ANDAYA HIGHWAY MUNA DADAAN! (Photo courtesy of Rhea Balmes Ortiz)

GOV. EGAY TALLADO, HUMINGI NG TULONG KAY P-NOY AT DPWH SEC. SINGSON PARA SA AGARANG PAGPAPAAYOS NG DETOUR SA STA. ELENA! MGA BYAHERO, SA QUIRINO/ANDAYA HIGHWAY MUNA DADAAN! (Photo courtesy of Rhea Balmes Ortiz)

Dalawang linggo lamang ang posibleng itagal ng pagsasaayos ng nasirang detour sa Brgy Cabuluan sa bayan ng Sta. Elena.

Ito ay naging pagtitiyak ni DPWH Sec. Rogelio Singson ng Dept. of Public Works and Highways matapos na humingi ng tulong dito si Gov. Tallado at maging kay pangulong Benigno “Noynoy” Aquino kaninang umaga.

Agaran ang naging pakikipag ugnayan ng gobernador sa naturang matataas na opisyal ng bansa matapos na masira ang naturang detour dulot ng lakas ng buhos ng ulan kagabi ( Sept. 18, 2014) dala ng bagyong Mario na naging dahilan para hindi makadaan ang mga sasakyan papasok at palabas ng Camarines Norte.

Umabot sa 203.4 mm rainfall ang naitala ng PAGASA na bumagsak sa lalawigan ng Camarines Norte, pang apat mula sa pinakamataas na naitala sa Quezon City.

Pansamantalang dadaan muna sa Andaya/Quirino Highway ang mga biyahero upang makapasok at makalas ng lalawigan.

Sa panayam ng Radyo ng Bayan kay Gov. Tallado, nanawagan ito sa may mga kamag-anak na bibiyahe na agaran nang ipaalam na sa mga ito ang sitwasyon ng kalsada sa nasabing bayan para dumiretso na sa Andaya Highway o kung maaari ay ipagpaliban muna ang kanilang biyahe kung hindi din naman gaano kaimportante ang lakad ng mga ito upang hindi na magkaproblema pa.

Maaga din ang naging panawagan ng gobernador sa mamamayan ng Camarines Norte na agarang ipaalam sa kanyang tanggapan kung may mga kinakailangan tulong upang agaran ding magawan ng aksyon ng kanyang tangggapan.

Hindi pa sumisikat ang araw ay maaga nang umikot kanina ang rescue team ng pamahalaang panlalawigan upang tugunan ang mga nangangailangan ng tulong na inabot ng pag baha.

Sa mga datus na naitala sa Provincial Disaster Risk Reduction Management Office, maraming mga bayan sa lalawigan ang inabot ng pag taas ng tubig kaninang umaga subalit humupa din bago umabot ang tanghali.  Patuloy pang kinakalap ng nasabing tanggapan ang detalye ng kabuuang pinsalang dinulot ng bagyong Mario sa Camarines Norte.

Jing A. Calimlim/Rodel M. Llovit

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *